Saturday , April 20 2024

Pareho Tayo ni Gloc-9, naka-600 download agad kalahating araw pa lang naipo-post

101415 Gloc9

00 SHOWBIZ ms mKAHANGA-HANGA naman talaga ang tila pamimigay na ng kanta ni Gloc-9 sa publiko. Paano naman, mapakikinggan at maida-download ng libre ang awitingPareho Tayo na unang single at kari-release lang (independent release) na awitin ng magaling na rapper.

Kung ang ibang kanta’y kailangan pang bayaran ma-download at mapakinggan, kay Gloc-9 ay hindi na. Ito kasi ang paraan ni Gloc-9 para pasalamatan ang mga taong walang sawang nakikinig sa kanyang awitin.

Kaya internet connection lang ang katapat at puwede nang marinig ang bago niyang kanta.

“Ito ang kantang hindi mo na kailangan ng pera para mapakinggan,” giit ni Gloc-9.

Tila nagdurugo raw kasi ang puso ni Gloc-9 kapag nakikita niya ang mga simpleng tao na nag-iipon para lang makabili ng kanyang album o ‘yung nagtitiyagang pumila para lamang makakuha ng libreng autograph niya.

Hindi pala ito ang unang beses na nag-release ng rap icon ng independent song. Last year, ini-release niya ang Payag, isang pagtatangkang mas maintindihan kung bakit iisang klaseng politika ang laging kinakaharap ng mga Filipino kahit na ito ring politikang ito ang dahilan ng kanilang kahirapan.

Walang binabanggit na pangalan sa Payag ngunit patungkol ito sa klase ng politikong matamis ang pananalita at magaling mangako.

Ang mensahe ng awiting Pareho Tayo ay iba sa Payag na bamaga’t nakatuntong pa rin sa katotohanan ng naghihirap na lipunan, mayroon itong nakikitang pagbabago.

Sa Pareho Tayo, binubuo ang isang lugar at panahon na ang mga karapatang mag-aral at magpa-ospital ay hindi na pribilehiyo, walang deskriminasyon base sa kulay ng balat, sa pagkain sa ating lamesa, sa ating kinabibilangang uri ng lipunan.

Nakaaantig ang mensahe ng awiting ito kaya naman hindi kataka-takang nagkaroon agad ito ng 8,000 hits at 600 downloads sa isa’t kalahating araw lamang matapos i-post ni Gloc-9 ang awiting Pareho Tayo. Hindi ito biro paa sa isang bansang mabagal at mahal ang internet.

Nagpapasalamat si Gloc-0 sa kanyang mga tagahanga at umaasa sa patuloy na suporta sa kanyang mga proyekto ngayong 2016.

Ang Pareho Tayo ay maaaring mapakinggan at mai-download sahttps://soundcloud.com/glocdash9/pareho-tayo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *