Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pareho Tayo single ni Gloc 9, nada-download ng libre (Health care, plus points sa iboboto)

Pareho Tayo single ni Gloc 9, nada-download ng libre (Health care, plus points sa iboboto)

101415 Gloc9

00 fact sheet reggeeMAGANDA ang lyrics ng bagong single ni Gloc 9 na Pareho Tayo at puwede itong ma-donwload ng libre sa rap icon’s official Sound Cloud account (soundcloud.com/glocdash9).

Nagulat nga si Gloc 9 dahil umabot sa 600 downloads pagkatapos niyang i-upload at 8,000 times naman itong napakinggan na.

Sa tanong kung bakit pumayag si Gloc 9 na ibahagi ng libre ito sa supporters niya, samantalang ‘yung iba naman ay pinababayaran.

“Alam n’yo ho ‘pag nagmo-mall show ako, ‘yung product na ibinebenta namin ay worth P550, may kasamang video right after the mall show magsa-sign ako sa mga bumili po.

“Honestly, nanlalambot ang mga tuhod ko kapag nakakita ng isang bumili at nanood ng mall show pero nakita ko na hindi naman siya nakakaangat sa buhay, minsan may magpapa-sign sa akin na humahangos pa na hindi na nakapanood ng mall show pero bumili ng product para lang ma-meet ako in person.

“Alam ko ‘yung ipinambayad niyang P550 ay pinaghirapan niya at talagang itinabi niya, I think, napapanahon naman na magbigay ako ng libreng kanta para sa kanila. So, sabi ko, ito po, puwede ninyong i-download ng libre, ngayon na, sobrang laking bagay po ito,” katwiran ni Gloc 9.

READ MORE:  Dating mega-flawless at gwaping na bagets, unkabogable show promoter na!

Pahayag pa ng simpleng rapper, “It’s about na kahit magkakaiba tayo ng antas sa buhay, somehow, sa dulo po ay pare-pareho rin tayo.”

Health care, plus points sa iboboto

Samantala, isa si Gloc 9 sa may malakas na impluwensiya pagdating sa mga musika niya kaya tinanong siya kung may nag-alok na sa kanyang politiko para sa nalalapit na eleksiyon, “wala pa po.”

At tungkol naman sa pagpili ng kandidato, “lahat naman po tayo pagdating ng elections ay pipili ng kandidato, at siguro po, iisipin ko ‘yan kapag malapit na malapit na. Nag-start na rin po akong mag-research.”

Kamakailan daw ay nabanggit ni Gloc 9 si Davao Mayor Rodrigo Duterte na gusto niya at handa niyang suportahan.

“Ang sinabi ko noon I think, ‘natutuwa ako sa kanyang pamamalakad sa Davao, but I didn’t say na siya ang iboboto ko.

READ MORE:  Gaganap na Dyesebel, hinahanap pa

“Lagi ko pong sinasabi, regardless po ng mga naglalabasan, sabi ko nga, pagdating sa botohan, pag-upo po natin ay pipili po tayo. Hindi po ako puwedeng magsalita ng tapos ngayon dahil baka po pagdating sa botohan mismo ay magpalit ang isip ko,” pahayag ni Gloc 9.

Isa pang sabi ng rapper ay kung sinuman sa mga kandidato ang makapagpo-provide ng health care para sa mahihirap ay may plus (points) daw sa kanya.

“Graduate po ako ng Nursing at nakita ko sa mga kababayan natin ni P100 ay wala sa bulsa para maipagpagamot nila.

“May instance nga po before na nasa OB-Gyne section ako sa isang ospital, may 39 year old na ale na nanganak ng pang-anim niyang anak. At ang lima niyang anak ay ipinanganak na normal sa bahay.

“Itong pang-anim ay umabot ng 8.5 lbs. at limang araw na siyang nagbi-bleed, dumating siya sa hospital na maputla na at wala siyang pambayad ng dugo, nagmamakaawa nga siya sa amin na bigyan na siya ng dugo magbabayad naman daw sila kapag nagka-pera sila.

READ MORE:  Tambalang Janella at Marlo, ‘di puwedeng ietsapuwera

“Literally, ‘yan ang reality sa nurses na naka-expose sa ganoon, nagiging manhid na sila. So dumating ‘yung asawa niyong ale at tinanong ng doktor kung may pera siyang pambili ng dugo at sinabihang, ‘lapitan mo na asawa mo dahil mamamatay na ‘yan.’

“Good thing, noong tinanong ‘yung asawa kung anong tipo ng dugo niya at hindi nga niya siyempre alam kasi walang perang pampa-blood test at noong i-check, nag-match sila ng asawa, so sinalinan siya.

“Isa lang ito sa instances na nagamit ko sa pagsulat ng kanta dahil doon, na-realize ko na kung mayroong isang kandidato na magbibigay ng health care na maayos sa mahihirap ay may plus sa akin.”

Hayan, may plus kay Gloc 9 ang mga kandidatong kasama sa plataporma nila ang Health Care.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved