Saturday , April 20 2024

Tanggal-lisensiya sa abusadong taxi driver

IPINAKAKANSELA na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Roger Catipay, ang taxi driver na nag-viral sa social media dahil sa paninigaw at pananakit sa kanyang pasaherong si Joanna Garcia.

Ayon sa LTFRB, personal na humarap si Catipay sa kanilang opisina para ipaliwanag ang kanyang panig.

Napag-alaman, nagpahatid ang biktima sa POEA, ngunit imbes maningil base sa metro, mas malaking halaga ang hinihingi ni Catipay at ayaw suklian ang kanyang sakay.

Bagama’t hindi nakuhaan ng buong video ang pangyayari, sinasabing sapat na ang 45 segundong footage bilang ebidensiya sa reklamo ng pasahero.

Si Catipay ay isinuko ng operator ng taxi makaraang mabalitaan ang eskandalong kinasangkutan ng driver.

About Hataw News Team

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *