Thursday , April 25 2024

7 sugatan sa karambola ng 6 sasakyan

PITO ang sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa northbound lane ng EDSA Guadalupe, nitong Martes ng umaga.

Sangkot sa karambola ang dalawang bus, isang taxi, at tatlong jeep.

Sa paunang imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang bus ng Roval Transport na biyaheng Muntinlupa-Valenzuela.

Dahil dito, sumalpok ito sa jeep na nasa unahan.

Bumangga ang jeep sa isa pang jeep, na bumangga sa taxi.

Sumalpok din ang taxi sa isa pang bus.

Sugatan sa karambola ang dalawang babae at limang lalaki, kabilang na ang mga driver ng PUJ.

Nahirapan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) road emergency group na batakin ang bus dahil mahina ang preno at iniiwasan nilang dumausdos ito.

Samantala, kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver at konduktor ng Roval bus na tumakas makaraan ang insidente.

About Hataw News Team

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *