Saturday , April 20 2024

Aiza at Liza, tuloy na ang pagpapa-IVF

0110516 Aiza Seguerra Liza Dino

00 SHOWBIZ ms mTULOY NA TULOY na ang pagpapa-IVF (In Vitro Fertilization) ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino. Ito ang nalaman namin kahapon nang makausap si Aiza pagkatapos ng presscon ng bagong reality singing competition ng TV5 na Born To Be A Star.

Ani Aiza, towards the end of the year nila gagawin ang proseso dahil kinakailangan pa nilang mag-ipon. Sa Amerika isasagawa ang proseso.

“We have to be there in the States for two months dahil ang mangyayari is, sa akin kasi manggagaling ‘yung eggs. So, ‘yung eggs ko, kailangang pare-pareho sila ng laki, para pag-gather nila ng eggs, pantay-pantay.

“And then, they will store it, they will freeze it, and by the time, siyempre by then, mayroon na rin kaming donor,” paliwanag ni Aiza sa prosesong gagawin na ang egg niya ang napiling gamitin dahil gusto naman daw niyang magkaroon ng masasabing anak din niya. Si Liza nga naman ay mayroon ng anak sa unang nakarelasyon.

Bale, kapag nakakita na ng guy na donor, pagsasamahin ang eggs niya at ang sperm ng guy at pagkatapos ay magpo-form ng embryo at doon na  ipapasok sa ovary ni Liza. Kaya si Liza ang magdadala ng magiging anak nila sa loob ng siyam na buwan o hanggang sa manganak ito.

Sinabi pa ni Aiza na makapipili sila ng donor na kailangan talaga nilang i-check mabuti ang background, race, at physical looks. At kung si Aiza ang tatanungin sa gusto niya, dapat ay artistic ding tulad niya ang donor.

Naikonsulta na rin pala nina Aiza at Liza sa doctor nila ang tungkol sa pagpapa-IVF nakapagpa-check na rin sila.

“I had myself checked last year, okay naman, my eggs are fine – unused but fine, and Liza’s okay also. So, ‘yun na lang ang hinihintay namin, ‘yung matagal nga kaming mawawala at kailangan din ng time kahit paano at makapagdiskarte rin kami ng work.”

Aabutin daw ng $11,000 ang procedure na inaasahan niyang magiging matagumpay sa unang try dahil kung hindi, mas malaking gastusin ang mangyayari. ”Basta sana, at least, mayroon kaming P1.5 million.”

Si Aiza ay isa sa hurado ng Born to be a Star at kasama rin niyang judges sinaPops Fernandez, Rico Blanco, at Andrew E. na iho-host  ni Ogie Alcasidkasama sina Yassi Pressman at Mark Bautista.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *