Thursday , April 25 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Nailigtas sa pagkalunod

00 PanaginipGud pm po Señor H,

Nnaginip po ako lst week na nlulunod dw aq, tas may ibang tao rin na nlulunod, d q sure kung sino nagligtas s akin, pro may iba tao rin na gsto q sana tulungan pro d q mtandaan kng naligtas q sila, vkit ganun pngnip q kya? Salamat po wait q ito sa dyaryo nio, call me Angela en plz dnt post my cp… thnks po

To Angela,

Kapag nanaginip na nalulunod, ito ay nagsasaad na ikaw ay nakadarama ng overwhelmed emotions. Maaari rin na may mga repressed issues na bumabalik sa iyo. Posible rin na masyadong mabilis ang pagpoproseso mo sa pagdiskubre ng iyong subconscious thoughts. Dapat na maghinay-hinay at maging maingat sa mga ganitong bagay. Sakali namang sa panaginip mo ay namatay ka sa pagkakalunod, ito ay may kaugnayan sa emotional rebirth. Kung nakaligtas ka naman sa pagkakalunod, ito ay nagsasabi na malalagpasan ang mga pagsubok na pagdaraanan. Kapag naman may nakitang nalulunod sa iyong panaginip, ito ay nagpapa-alala sa iyo na ikaw ay masyadong nagiging involved sa isang bagay na wala ka nang kontrol. Alternatively, ito ay nagre-represent ng sense of loss sa iyong sariling identity. Hindi mo na alam ang kaibahan mo o ang tunay mong pagkatao. Kapag naman napanaginipan mo na may iniligtas ka sa pagkalunod, ito ay nagpapakita ng matagumpay na pagkilala sa ilang emotions and characteristics na sumisimbolo sa biktima ng pagkalunod. Kung hindi ka nagtagumpay sa pagsaklolo sa nalulunod, ito ay nagsasabi na manhid ka na sa takot. Ikonsidera ang sitwasyon na ang iyong pangamba o takot na ang siyang nagdidikta sa mga bagay na dapat gawin o sa iyong mga aksiyon.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *