Thursday , April 25 2024

Pasok si Duterte, Grace tinuldukan na ba ng Comelec?!

poe duterteMUKHANG baon daw ni Digong Duterte ang kanyang suwerte mula sa Davao.

Pinayagan ng Commission on Elections (C0melec) ang kanyang substitution sa kandidatura ng kapartidong (PDP-LABAN) si Martin Dino.

‘Yan ay kahit, bilang Pasay Mayor umano ang tinatakbuhan ni Dino.

Sa bahagi naman ni Sen. Grace, mukhang talagang mahigpit ang pagbabantay sa kanya ng Comelec.

Kung palulusutin man, malamang sa ‘butas ng karayom’ siya pararaanin.

Kung hindi tayo nagkakamali ay umaapela pa rin hanggang nga-yon si Senator Grace.

Habol niyang mailagay sa balota ang kanyang pangalan.

Doon kasi nakikita ng Senadora ang kanyang pag-asa sa labanang ito.

Kaya kung may suwerte si Duterte, si Senator Grace naman ay mukhang kinakapitan ng kamalasan.

Sino kaya ‘yang malas na ‘yan sa buhay ni Sen. Grace?!

Chiz-mis lang kaya na ang malas sa kanya ay ‘yung lagi niyang kasama sa kampanya?!

Mukhang mas maiging, ipagpag ni Sen. Grace ‘yang nati-chiz-mis na KAMALASAN!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *