Saturday , April 20 2024

Appointments ng CSC, JBC, DFA at AFP off’ls lusot sa CA

LUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Hon. Maria Milagros Fernan-Cayosa sa Judicial and Bar Council (JBC) bilang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Makaraang aprubahan ng CA Committee on Justice, wala nang tumutol na mambabatas sa appointment ni Cayosa sa plenaryo.

Pagsisilbihan ni Cayosa ang apat taon termino mula Hulyo 9, 2015 hanggang sa Hulyo 8, 2019.

Lusot na rin sa CA ang ad interim appointment ni Hon. Alicia Dela Rosa-Bala, bilang chairperson ng Civil Service Commission, kapalit ni Francisco Doque III.

Naaprubahan din ang appointment ng 16 opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sina Amb. Jesus Domingo ng New Zealand, Minda Calaguian-Cruz ng Australia at Eduardo Jose De Vega ng Vietnam.

Pinagtibay ng CA ang promosyon ng 77 opisyal ng Armed Forces of the Philippines na may mga ranggong colonel, major general at brigadier general.

About Niño Aclan

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *