Friday , April 26 2024

Jim Paredes nakakaladkad sa isyu ng kaboglihan

120815 Jim Paredes mochaNALULUNGKOT naman tayo sa kinasadlakang kontroberisya nitong si OPM music icon Jim Paredes.

Mantakin ninyong 2012 pa nangyari ang interbyu niya kay Mocha Uson. Kinimkim daw no’ng tao pero ipinasya niyang hindi na siya uulit.

Pero ngayong nagsalita umano na tila ‘santo’ si Jim Paredes ‘e kailangan niyang ilabas ang naging karanasan niya sa OPM icon nang interbyuhin siya noong 2012.

Ang interbyu daw sa kanya ay hindi tungkol sa kanilang grupo kundi sa kanyang sexuality at kung gaano siya naghahanap nito.

Na-offend nga raw si Mocha pero bilang professional tinapos niya ang interbyu.

Sinagot naman ito ni Jim Paredes na iyon daw talaga ang layunin ng interbyu niya, ‘yung  sexual persona ni Mocha dahil noong panahon na iyon ay marami ang nagtatanong tungkol sa kanyang sexuality.

Anyway nagsagutan na nga sina Mocha at Jim Paredes sa social media.

Sabi nga ng katoto ni Ka Jim na si Joey Ayala, ang katotohanan ay may dalawang mukha depende kung sino ang nagsasalita.

Pero nagulat tayo nang nag-text sa atin ang isang kaibigan na mayroong kaibigang sexy actress.

Ang sabi niya ay nakare-relate raw ‘yung kanyang kaibigang sexy actress sa experience ni Mocha. Nahulaan niya agad na si Jim Paredes ‘yung blind item ni Mocha.

Noong 2011 or 2012 daw nag-message sa kanya si Jim Paredes at gusto siyang i-photoshoot sa house niya. At dahil isang Jim Paredes ang nag-aanyaya pumayag siya.

Nang sinabing sa bahay niya gawin, tumanggi ‘yung kaibiganng sexy actress ng kaibigan natin.

Sa bahay na lang daw ni Jim para magdadala lang siya ng ilang damit para mabilis ang photoshoot. Kapag sa bahay daw kasi niya baka lahat ng damit niya ay ipasuot.

Natuloy naman ang photoshoot. Pero sa umpisa pa lang daw kung ano-anong tanong na ang ibinabato sa kanya na nakao-offend. Pero sige lang.

Tapos  may ipinakita raw sa kanyang book, ‘yun daw ang gusto niya, labas ang boobs. Tinanggihan niya.

Pero makulit daw si Jim Paredes. Kaya sabi na lang niya, sorry hindi talaga puwede.

Simula raw noon ay nag-iba na ang tingin niya kay Jim Paredes.

Aba, isang bagong rebelasyon ito. Baka naman meron pang susunod na magsasalita?!

At ibubuyangyang din ang kanilang karanasan kay Ka Jim?!

Totoo ba ito Ka Jim?!

Tsk tsk tsk…

Kung totoo ito, e kumanta ka na lang at ‘maki-baka.’ ‘Wag ka nang mag-interbyu ng mga sexy artists.

Madali palang umalagwa ang libido mo, e.        

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

   

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *