Saturday , April 20 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Sobrang ganda hinalikan

00 PanaginipHello po,

Ngttka lng aq s drim q kya nagtxt aq s inyo, first tym po bale, kse ang ganda2 q dw na lahat parang bilib tas may humalik s akin n d q naman kilala at prang d q nkita ksi face nya, wat po ba meaning nito? Thnks po wait q ito sa hataw, dnt post my cp # kkhiya po kse

– Cita

To Cita,

Kapag nanaginip na ikaw o ang sinuman ay extraordinarily beautiful, ito ay may kaugnayan sa aspeto ng iyong sarili na iyong hinahangaan at ina-appreciate. Maaaring ito ay mga damdamin na kailan lang ay kinilala mo o kaya naman, inin-incorporate mo sa iyong sarili. Posible rin namang ang panaginip na ito ay isang paalala upang huwag mapabayaan ang iyong sarili. ‘Ika nga, do not sell yourself short. Maaari rin namang ito’y compensatory dream na lumalabas sa iyong panaginip ang mga bagay na ninanais mong magkaroon ng katuparan dahil sa ito ay magbibigay sa iyo ng lubos o labis na kasiyahan.

Ang panaginip na hinggil sa halik ay may kaugnayan sa love, affection, tranquility, harmony, at contentment. Kung ikaw naman ay walang karelasyon sa kasalukuyan, maaaring ang panaginip mo ay pahiwatig na naghahanap ka ng pagmamahal, subalit nag-aalala kang mabigo o masaktan. Maaaring nagpapakita ito na gusto mong maranasan ang energy of love. Sakali namang may karelasyon ka sa kasalukuyan, maaari rin na hindi ka kuntento sa kanya at ang katotohanang ito ay lumalabas sa iyong bungang-tulog. Ang lalaking hindi mo makita ang mukha ay maaaring repleksiyon din ng paghahanap mo sa sariling identity o kaya naman, ito ay may kaugnayan kung paano dapat pupulsuhan o babasahin ang damdamin at galaw ng ibang tao tungo sa iyo. Ito ay may kaugnayan din sa paghahangad na mas makilala at maunawaan ang ibang mga tao, sa mas malalim na level.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *