Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah Geronimo pwede nang maging newest concert queen (Nagkaroon na ng 8 major concert na pawang SRO)

110715 SARAH Geronimo
Sang-ayon kami sa isinulat ng kapwa namin veteran lady entertainment columnist at host ng showbiz segment sa Master Showman na si Tita Aster Amoyo tungkol sa korona na hawak ni Pops Fernandez bilang undisputed Concert Queen na sinusundan nina Regine Velasquez at megastar Sharon Cuneta na dapat na nilang ipasa kay Sarah Geronimo. Sa dami ng hit concerts na ginawa ay may karapatan na sa concert queen title na ‘yan.

Sino ba ngayon sa kasabayan ng Pop Star Royalty ang mayroon nang 7th major concerts? Pangwalo ang gagawing two night concerts na “From The Top” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa December 4 at 5. Imagine kahit ‘yung 10th Anniversary concert nito na “Perfect 10” last 2013 sa MOA Arena ay jampacked sa dami ng taong nanonood.

Dito sa kanyang latest concert siguradong lalong mapahahanga ang lahat kay Sarah G na bukod sa mga pasabog na number na first time lang masisilayan ng kanyang fans at lahat ng gowns and other outfits na susuotin ng Pop Star Princess ay ibinagay sa kanya at sa kanyang show na gawa ng mga kilalang fashion designers sa bansa na sina Rajo Laurel, Rhett Eala at Dennis Celestial. Hindi lang ‘yan ginastusan rin ng Viva Liv (producer ng concert) ang stage na gagamitin ng singer actress. Dalawang supplier ang kanilang kinuha para magtayo ng malaking stage sa Araneta na lelevel sa isang foreign concert.

Well noon pa man ay all-out na ang support ng kanyang Viva family kay Sarah na balita pa namin ay sobrang inspired sa ganda at laki ng preparation para sa kanyang nasabing 8th major concert. Kaya naman todo ang rehearsal ngayon ng daughter ni Mommy Divine at hindi na siya tumatanggap ng ibang trabaho para makapag-concentrate sa kanyang From the Top concert na si Paolo Valenciano ang director at Musical Director naman si Louie Ocampo.

Hindi lang sa rehearsals nakatutok ngayon si Sarah maging sa diet nito at pagdi-gym dahil gusto niyang sexy siya at bumagay sa kanya ang mga outfit na gagamitin sa kanyang show na sold-out pareho ang Dec 4 and 5 na tickets. Dalawang beses na nagbenta ng personal sa ticket booth ng Araneta si Sarah. Marami ang pumila at nagpa-autograph sa kanya.

As of now pagdating sa kanyang guest ay wala pa rin nababanggit ang Viva Live kaya surprising ito at malay ninyo bigla na lang bumulaga sa entablado ang papa labs ni Sarah na si Matteo Guidecelli na sinuportahan din niya sa concert nito sa Music Museum last week.

Why not gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …