Tuesday , April 23 2024

Bagong ebidensiya vs Poe isinumite sa Comelec

MARAMI pang mga ebidensya ang isinumite ng petitioners laban kay Sen. Grace Poe sa tanggapan ng Comelec kahapon.

May kaugnayan ito sa disqualification case na inihain nina UE Law dean Amado Valdez at professor Antonio Contreras na kumukuwestyon sa citizenship ng senadora.

Ayon kay Tatad, kabilang sa mga isinumite nilang dokumento ang ilang records na ginagamit mismo ng mambabatas sa official transactions.

Hindi nagpakita si Poe sa pagdinig at tanging ang kanyang abogadong si Atty. George Erwin Garcia ang kumatawan sa kanyang kliyente para sa nasabing preliminary conference.

Una nang naibasura ang kaso ni Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET), ngunit para sa Comelec ay ibang kaso iyon at walang direktang epekto sa pending issues na nasa poll body.

About Hataw News Team

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *