Saturday , April 20 2024

Janella, bagong apple of the eye ni Mother Lily

112015 Janella mother lily

00 fact sheet reggeeSOBRANG overwhelmed si Janella Salvador dahil ipinagkatiwala sa kanya ni Mother Lily Monteverde ang pelikulang Haunted Mansion na idinirehe ni Jun Robles Lana at entry ng Regal Entertainment sa 2015 Metro Manila Film Festival.

At nakagugulat na pina-presscon ni Mother Lily si Janella ng solo, huh? Sa madaling salita, ang dalagita ang apple of the eye ngayon ng lady producer.

“Oo nga po, I just got surprise kasi first movie ko tapos second MMFF ko pa, so everything is coming so big, everything is coming sabay-sabay, hindi ko alam what I did and if I deserved it so, napaka-happy ko I don’t want to call myself lucky, gusto ko blessed kasi lagi akong nagpi-pray na, ‘thank you for everything.’

“(Minsan) hindi nagsi-sink in sa akin na ibinibigay ‘yung album, movie tapos nagka-teleserye ako after ‘Be Careful With My Heart’, it’s all coming so fast,” kuwento ni Janella.

Nakatutuwa dahil dati raw ay ang nanay ni Janella na si Jenine Desiderio ang sumasama sa kanya sa tapings, “kasi dati ako lang ang sumasama sa kanya sa taping pero ngayon, minsan siya na ‘yung sumasama,” masayang sabi ng dalagita.

Hindi ba natakot si Janella na horror ang launching movie niya?

“At first nagtanong po ako kasi horror nga, so paano kaya ‘yun, but okay na rin kasi something big na ibinigay sa akin and nag-enjoy naman ako in making the film and I trusted direk Jun and in everyone’s powers,” pahayag ng batang aktres.

Hindi naman daw naiba ang hitsura ni Janella sa Haunted Mansion dahil, “’di ba you always see me kikay, this time para siyang simpleng tahimik na role, so parang iba-iba.  Walang arte, normal person ako rito.”

Mahilig ba sa horror movie si Janella? “Actually yes, mahilig akong manood, pero takot din ako hindi ako makaakyat (bahay) mag-isa.”

Tinanong namin kung ano ang favorite horror movies niya? “’Insidious’, wina-watch ko na rin ‘yung ‘Shake, Rattle and Roll’ series, nag-e-enjoy naman ako. My mom was in ‘Feng Shui’ last year, so pinanood ko rin.”

Kabado sa MMFF 2015 dahil sa JaDine, AlDub at LizQuen

Kinakabahan ba si Janella dahil ang mga makakasabayan niyang artista sa MMFF 2015 ay pawang malalaking pangalan at sikat na love teams tulad ng JaDine, AlDub, at LizQuen.

“Matindi!  Actually, I’m not expecting anything big naman because first of all, horror naman ito. Sila (loveteams) ‘yung kilig, magkakaiba kami ng genre and I know naman not all people watch horror, so hoping talaga na ang i-give na lang sa amin ay maging successful ‘yung movie,” sabi ni Janella.

Sa tingin ba ng batang aktres ay mapapasama sa top 5 ang Haunted Mansion.

“Hmm, I don’t expect, I’m expecting na maganda ‘yung kalabasan and suportahan din siya. Ako natatakot ako sa mga ghost, natakot ako sa set, totoong takot, walang acting,” kuwento ng batang aktres.

At sa tanong namin kung kumusta na ang loveteam nila ni Mario Mortel na botong-boto ang mama niyang si Jenine sa binata.

“In real life? We’re still friends kasi bawal pa naman akong magka-boyfriend, bawal pa ng mom and hindi ko pa naman napi-feel na kailangan ko,” diretsong sagot ng dalagita.

‘Di kasundo ang mommy Jenine

Totoo ba ang balitang hindi sila magkasundo ng mama Jenine niya?

Paliwanag ni Janella, “Well, it’s normal naman for parents and children at may age na nagkakaroon ng misunderstanding, many people go through it talaga so ‘yun lang talaga ‘yung stage na ‘yun. Hindi naman ako nagrebelde or anything, wala namang ganoon. Pero ngayon, we’re okay now.”

At bawal din siyang makipag-date, “bawal din, I’m only 17,” hirit ng dalagita.

O sige hindi na date, malling na lang kasi iyon ang uso, sabi namin kay Janella, “malling, wala ring time,” mabilis na sagot ulit ng dalagita.

At sa mga makukulit na manliligaw ang sagot ni Janella, “kino-close ko (kaibigan) agad sila, it’s up to you naman how to limit, eh. At saka hindi ko nararamdaman na kailangan ko (boyfriend),” giit ng dalagita.

Kaya tinanong namin kung kanino siya na-attract o may crush sa young actors, “wala akong crush sa ABS (CBN).”

Hirit namin ulit kung sino ang girl crush niya, “wala rin, peg lang si Emma Watson, local I’m always like Anne Curtis the way she carries herself, mayroon pa, super ina-admire ko ang career path ni Sarah G, super galing niya,” mabilis namang sagot ni Janella.

Katwiran namin na singer si Sarah G. samantalang si Janella na bagamat kumakanta ay mas kilala bilang aktres.

“It’s just started palang kasi may album, tapos kaka-number one palang niya like two weeks ago. May mga original song naman, tapos ni-revive ko rin ‘yung song ni Sharon Cuneta na ‘Dear Heart’,”pahayag ng dalagita.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *