Friday , April 19 2024

Junior ni Fariñas patay (Motorsiklo sumalpok)

PATAY ang bunsong anak ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas nang maaksidente sa Bacarra, Ilocos Norte, dakong 5 a.m. kahapon.

Kinilala ang biktimang si Rodolfo Farinas Jr., dati ring Sangguniang Kabataan president ng Ilocos Norte, idineklarang dead on arrival sa isang ospital sa Laoag City.

Ayon sa mga awtoridad, sakay ng motorsiklo si Fariñas nang sumalpok sa isang concrete barrier sa national highway ng Brgy. Buyon.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at nasunog ang kanyang motorsiklo.

Sinasabing biglang huminto ang sinusundang truck ng biktima kaya’t iniwasan niya ito ngunit nawalan ng kontrol si Fariñas sa motorsiklo kaya bumangga sa concrete barrier.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

About Hataw News Team

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *