Thursday , April 25 2024

DOJ patas sa kaso ng INC – Kapunan (Kay Sec. Ben Caguioa)

1116 FONTNAGPAHAYAG ng pananalig si Atty. Lorna Kapunan na ang Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng bago nitong kalihim na si Sec. Alfredo Benjamin Caguioa ay magpapasya sa kaso ng Iglesia Ni Cristo (INC) batay sa “merito” dahil malinis ang reputasyon nito at kilala sa katapatan.

“Nasa kasong isinampa ni Samson ang atensiyon ng media ngayon, at sigurado ako na ano man ang magiging pasya ng DOJ ay aani ng reaksyon sa magkabilang panig,” ayon kay Kapunan.

“Sa harap nito, mahalaga ang pagbusisi at pagbibigay-linaw sa mga isyung nakasaad sa reklamo, at dahil kilala sa pagiging metikuloso at maingat na litigador si Caguioa, makaaasa tayong magdedesisyon siya nang naaayon sa batas,” paliwanag ni Kapunan.

Nagtapos ng kursong Economics si Caguioa sa Ateneo de Manila University noong 1981, panglima siya sa kanyang graduating class sa College of Law ng nasabing pamantasan noong 1985 at panglabinglima naman sa nagtala ng pinakamataas na antas ng Bar Examinations nang taong iyon. Hinirang si Caguioa bilang Chief Presidential Legal Counsel ni President Benigno Simeon C. Aquino III  noong January 2013 matapos ang halos tatlong dekada bilang abogado sa pribadong sektor.

Ayon kay Kapunan, malaki ang naiaambag ng pagiging simple at patas ni Caguioa sa kredibilidad ng DOJ “dahil batid naman ng lahat na wala siya ni ano mang pampolitikang agenda.”

“Walang dahilan para makipagmabutihan ang kalihim sa iba’t ibang panig na sangkot sa usapin, at malamang wala siyang pakialam kung babatikusin o pupurihin matapos magpasya ang kanyang ahensiya – kaya nga matibay ang aking paniniwala na walang dapat ipag-alala ang dalawang panig sa kasong ito,” dagdag ni Kapunan.

Ang babala lamang ni Kapunan ay laban sa mga abogado ng mga panig na sangkot sa nasabing isyu kasabay ng pahayag na “pag-ingatan maging ang forum-shopping sa media” kapag hindi naging kaaya-aya sa mga kliyente nito ang magiging pasya ng DOJ.

“Napakadali at malakas ang tukso na maghabi ng kung ano-anong kwento o teorya sa kahihinatnan ng tagisang ito na alam naman nating pagpipiyestahan ng media at ng mga diskusyon ng publiko. Hindi ito ang hinahanap natin. Mas maigi para sa ating bansa kung tuturuan natin ang publiko kung papaano umiinog ang batas sa mga ganitong pagkakataon,” ayon kay Kapunan.

“Tungkulin ng bawat abogado na igalang at pagtibayin ang pag-iral ng batas,” ayon kay Kapunan. “Itira na lang natin sa iba ang ‘online at media hype’ na hindi naman saklaw ng ating propesyon.”

Inakusahan ng dating ministro ng INC na si Isaias Samson ang pangasiwaan ng Iglesia ng “harassment” at “detention” kasama ang kanyang pamilya. Ayon kay Samson, ito ang parusang ipinataw ng INC sa kanya dahil sa dudang siya ang nagpapalabas ng mga istorya hinggil sa katiwalian sa Iglesia. 

About Hataw News Team

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *