Friday , April 26 2024

Si LIM ang tunay na ‘Ama ng Maynila’

PANGILA friend in need is a friend indeed!

– Anonymous

ITO’Y paglalahad ng tunay na karanasan ng inyong lingkod sa paglutas ng isang problemang marami sa atin ang minsa’y nakaharap sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at nabigyan ng lunas sa tulong ng masasabing tunay ding lingkod-ng-bayan.

Sa maikling paglalahad, nagkaroon ako minsan ng suliranin sa inuupahang bahay na aking tinitirahan sa Leveriza Street sa Malate, Maynila. Ang problema? Sinilbihan ako ng eviction notice dahil malaki ang pagkakautang ko sa upa.

Kaya napilitan akong dumulog para humingi ng tulong sa isang taong itinuring kong tunay na ‘Ama ng Maynila’—si Gen. ALFREDO LIM, na noong mga panahon iyon ay nanunungkulan bilang alkalde ng lungsod.

At alam n’yo ba ang naging tugon ng dating police general at dati ring direktor ng NBI?

Aba’y akalain n’yo bang hindi siya nagbigay ng pambayad sa upa kundi nagsabing “Sagot ko na ‘yang monthly rent ng apartment mo!”

Say n’yo, mga kritiko ng mahal kong MAYOR?

Way to go Filipinas!

PUNTOS para sa ating bansa ang desisiyon ng Arbitral Tribunal na kunin ang jurisdiction sa kasong isinampa ng Filipinas laban sa China hinggil sa West Philippine Sea dispute. Batay sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration, walang basehan ang argumento ng China na ang West Philippine Sea o South China Sea dispute ay ukol sa soberanya ng mga pinag-aagawang teritioryo.

 Matapos nga mapag-aralan ang claim na inihain ng ating bansa ayon sa tribunal, ang kaso ng West Philippine Sea ay maituturing na dispute sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa interpretasyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Salamat sa ating mga delegado at umaasa ang sambayanang Filipino na mas paghahandaan pa ang susunod na proseso para mapagtibay ang ating karapatan sa ating teritoryo. Ito na rin ang pagkakataon ng ‘Pinas para iharap ang claims base sa merito at hawak na dokumento. Way to go Filipinas! – Ariel T. Soriano, Mandaluyong City

 No biometrics, no vote!

PARA palang lisensya ng driver ‘yan sa pa(g)mamaneho at passport para makupanta ng abroad. No driver’s license, no drive at no passport, no abroad. Tama at dapat! E ang biometric ID kailangan ‘yan para makaboto. E bakit sasabihin ng Comelec na ‘di na raw kailangan ang ID sa pagboto? Gago! Bakit pa ninyo pinupuwersa ang dati (na)ng bumoboto na magpa-biometric pa? Ano(ng) himala (ang) mayroon d’yan? At gago, kasi 3 o 5 taon daw bago makuha ang ID? Hello Garci! Lagi kong tine-text ang ‘Hello Garci’ na ‘yan dahil tiyak na gagamitin uli ‘yan. Kaya nga sa page 4 ng Police Files (Tonite) may joke (na)ng gan’yan. Hehehehe. Boss Garci! May kumausap daw sa ‘yo? Mayroon nga at pinag-aaralan pa namin. Hehehehe. Dapat no ID, no vote! Mga lintek kayo. Hindi obligado ang bumoto, kung ayaw ko wala kayo(ng) pakialam. Kaya dapat naman kung wala ka(ng) ID, ‘di ka puwedeng bumoto kahit pa gusto mo. Lumagay kayo sa ayos! Pweee! – Juan po (09094818… Oktubre 28, 2015)

Nahihilig sa phonesex

Ako po si Liza. Ang problema ko po ay mula nang makipag-phonesex ako sa kapitbahay naming may-asawa ay lagi ko siyang naiisip ngayon. Ano po ba ang gagawin ko?  – Liza (09332158102, Oktubre 20, 2015)

Para sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo lang po sa aking cellphone number na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.

About Tracy Cabrera

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *