Friday , March 29 2024

Police blotter is a public document (Karahasan kinokondena ng ALAM, FOI ipasa, now na!)

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG kailangan na talagang ipasa ang Freedom of Information (FOI) Bill.

Kung naipasa na ito noong nakaraang Kongreso, malamang may kinalagyan na ang abugagong ‘este’ abusadong pulis na gaya ni SPO2 Manuel Lason ‘este’ Laison.

Si Sarhento Laison po ang pulis na bumugbog, nanakal at nagposas kay DZRH news reporter Edmar Estabillo nang magpaalam sa kanya na nais niyang mabasa ang police blotter.

Nang dumating daw kasi si Edmar sa estasyon ng Marikina police ‘e walang nakapuwestong sarhento de mesa.

Kaya nang makasalubong niya si Laison ay saka siya nagsabi. Pero hinanapan nga siya ng ID. Hindi natin maintindihan kung bakit sa tagal nang nagko-cover ni Edmar ay hinahanapan pa siya ng ID ni Laison besides, police blotter is a public document.

Noong una ay nagbibiro pa si Edmar kung bakit kailangan pa niyang maglabas ng ID pero noong huli ay nagulat na lamang siya nang hilahin siya ni Laison sa isang lugar na hindi abot ng CCTV camera at doon siya sinakal, kinulata ng baril saka pinosasan.

Hindi lang ‘yan, kinompiska pa ang kanyang handheld radio at cellphone.

Ganyan ba kabarbaro ang mga pulis sa Marikina, Senior Supt. Vincent Calanoga!?

Akala natin ‘e lipas na ang panahon ng mga utak-pulbura sa hanay ng pulisya.

Hindi pa pala.

Mayroon pa palang natitira riyan sa Marikina police.

Anyareee Kernel Calanoga?!

Ang masakit pa, habang ginagawa ni Laison ang pang-aabuso at pandarahas kay Edmar, ‘e pinanonood lang sila ng ibang pulis kasama ang dalawang opisyal na sina senior inspectors Nicanor Lambino at Melanie Redon.

At para mapagtakpan ang kanyang ginawa, agad din daw sinampahan ng kaso ni Laison si Estabillo — meron pang direct asssult?!

Sonabagan!!!

Nag-cover lang ‘yung dzRH reporter, nakasuhan pa ng assault?!

Tama ba ‘yun?

Agad naman daw sinibak ni EPD District Director Gen. Elmer Jamias si Layson, pero ang tanong nga, ganoon na lang ba agad ‘yun?!

Paano naman ‘yung mga opisyal na pinanood lang ang ginawang pang-aabuso kay Edmar!?

Hindi ba dapat ay dumaan sa wastong proseso, para naman makita talaga kung ano ang naging kahinaan ng magkabilang panig kung bakit sila humantong sa ganoon?!

Uulitin lang po natin, pwedeng magtalo, pwedeng magdiskusyon, pwede rin magkasigawan, pero pwede po ba walang sakitan?!

Wala naman pong laban ang isang pangkaraniwang mamamayan laban sa mga unipormadong pulis.

Don’t shoot the messenger, please!

Media restriction sa NAIA kinondena rin ng airport reporters

SA Ninoy Aquino International Airport (NAIA) naman, matapos pumutok ang isyu ng ‘TANIM-BALA’ ‘e media naman ang pinag-initan ngayon at hindi ang mga pinagsususpetsahang sangkot sa insidenteng ‘yan.

Mantakin ninyong higpitan ng NAIA T3 management ang mga miyembro ng NAIA Press Corps at ibang TV reporters sa kanilang coverage sa mga insidente ng tanim-bala?!

Aba, kapag tanim-bala ang iko-cover nila ay kailangan pa raw eskortan ng mga security guard.

Wala naman sanang problema kaya lang ‘e daig pa raw ng mga sekyu ang military kung bantayan ang Airport reporters.

Again, FOI na naman po ‘yan.

Kung noon pa ay naipasa na ang FOI, deterrent na ‘yan laban sa mga pandarahas sa mga mamamahayag.

Uulitin ko po, don’t shoot the messenger!

Random drug test sa DOTC OTS personnel now na!

ILANG impormasyon ang natanggap natin na mayroon daw pangangailangan na i-random drug test ang mga kagawad ng DoTC OTS sa NAIA.

Ilan daw sa kanila ang positibong gumagamit ng ilegal na droga.

‘E alam n’yo naman kapag droga na ang pinag-uusapan, lahat ay nagagawa na ng isang taong nalululong sa bisyong ‘yan.

Hindi na tayo magtataka sa isyu ng ‘tanim-bala’ kung may madeskubreng positibo sa ilegal na droga sa OTS personnel?!

Isagawa na po agad ang random drug test na ‘yan bago pa lumala ang sitwasyon.

Paging DoTC Secretary Jun pabaya ‘este’ Abaya!              

Hinaing ng mga Tayabasin (Paging: DILG & Sandiganbayan)

NASAAN na ang 3-month preventive suspension ni Mayor Dondi Silang n hinihintay ng mga Tayabasin? Sabi ng Supreme Court, mandatory dapat ‘yan. Bakit ang ibang public official kaliwa’t kanan na ang implementation ng suspension? Nabgyan na ng hustisya ang ibang lugar. Kawawa naman ang Tayabas City sa Quezon. May agimat ba si Mayor Silang at pati suspension niya may pangontra? May karma pa rin mayor! +63916787 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *