Tuesday , May 20 2025

Gov. Vi: Leni Robredo ina ng buong bansa

“KAILANGAN ng bansa ang ina gaya ni Leni Robredo!”

Ito ang deklarasyon ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto bilang suporta kay Robredo bilang vice presidential candidate ng Liberal Party sa isang pagpupulong na ginawa sa Lipa City kamakailan.

“Si Ma’am Leni isang lawyer, isang ekonomista. Kung may leaders tayo sa gobyerno na mga barako, ito iyong tinatawag nating mga providers. Ang providers, kailangan po andoon din ang ilaw,” wika ni Gov. Vi.

“Importante ang may pulso ng nanay. Kapag may touch ng pulso ng nanay, ito pong mangangalaga sa ating asawa’t mga anak. Bilang isang ina, alam po namin ang pulso’t pangangailangan ng buong pamil-ya” dagdag niya.

Ayon kay Gov. Vi, kaila-ngan ang pangangalaga ng isang ina, lalo na kapag pinag-usapan ang moral values ng mga Filipino na ngayo’y nawawala na.

“We need a touch of a mother at iyan po si Ma’am Leni,” wika ni Gov. Vi.

Paliwanag ni Gov. Vi, kung si LP presidential bet Mar Ro-xas ang magiging haligi ng bansa, si Robredo naman ang magsisilbing ilaw na gagabay sa sambayanang Filipino.

Bukod kay Gov. Vi, nagpahayag din ng suporta ang iba’t ibang nasyonal at lokal na opisyal mula Batangas, kabilang sina Sen. Ralph Recto, Cong. Sonny Collantes, Cong. Rannie Abu at Batangas Vice Gov. Mark Leviste.

Dumalo rin ang mga ma-yor, vice mayor, konsehal at board members mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad ng lalawigan.

About Cynthia Martin

Check Also

Alfred Vargas PM Vargas

Alfred Vargas nagpasalamat sa double victory; Programang pang-edukasyon uunahin

DOBLE-DOBLENG pasasalamat ang ibinahagi ni Alfred Vargas sa mga taga-District 5 ng Quezon City na sa ikalawang …

Willie Revillame

Willie wala na raw ganang tumulong?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE rin ang mga naglabasang saloobin umano ni Willie Revillame hinggil sa pagkatalo …

Xian Gaza Isko Moreno

Yorme Isko bubuwelta sa mga naninira; Post ni Xian Gaza binura?

I-FLEXni Jun Nardo ISANG matapang na tanong  ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw. …

Rice, Bigas

P20 rice program isusulong sa Navotas

MAAARI nang makabili ng halagang P20.00 kada kilo ng bigas ang mga residente ng Navotas …

Motorcycle Hand

Operasyon ng motorcycle taxi company ‘status quo’ – LTFRB

MANANATILI ang operasyon o ‘status quo’ ang pagbiyahe ng motorcycle taxi na Move It. Inihayag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *