Thursday , April 18 2024

Parking sa SM MOA Seaside Boulevard gusto na rin pagkakitaan ng pamilya ni Henry Sy?

00 Bulabugin jerry yap jsyISA tayo sa mga natutuwa nang magkaroon ng Seaside Boulevard ang SM Mall of Asia (MOA).

Naging alternative ito sa seaside ng Quirino Grandstand na ngayon ay Ocean Park na, at sa seawall ng Folk Arts Theatre na amoy langis na, kaya hindi na rin kaaya-aya para sa mga bata at senior citizen ang simoy ng hangin doon.

Pero nitong nakaraang linggo, nagulat tayo nang mabalitaan nating may bayad na pala ang parking area sa Seaside Boulevard na dati naman ay wala.

Kaya desmayado talaga ang mga nagpapahangin at naglakad-lakad sa SM MOA Seaside  Boulevard.

Lalo na ‘yung mga Tsinoy na madalas namamasyal, nag-i-exercise sa area na ‘yan.

Hay, ano ba itong pamilya ni Mr. Henry Sy, lahat na lang gustong pagkukuwartahan ‘e hindi naman nila madadala sa kamata-yan ‘yang mga yaman na ‘yan.

Sabi nga, moderate your greed naman… please?!

Stupid anti-tanim-bala bill ni Rep. Leni Robredo pinakasimple pinakamaigi.

Hindi kailangan baluktutin ang umiiral na batas ng isang panukalang batas para lamang arestohin umano ang isang problema na ngayon ay isa nang malaking eskandalo sa buong mundo.

Kumbaga, ‘ISANG BALA’ lang, tumaob na ang kredibilidad ng isang administrasyon.

At isang bala lang, lumabas na ang pagi-ging kamote ng isang mambabatas.

Pasintabi po, ayaw kong tawaging ‘KAMOTE’ ang House Bill 6245 ni Madam Rep. Leni Robredo, pero kahit saang anggulo ko po tingnan, talaga pong sa ‘KAMOTE’ bumabagsak.

Madam, may pagkakaiba ba ang tatlong bala ng baril sa lima o sampung bala na nailulusot at tahasang lumalabag sa seguridad ng mga paliparan sa bansa?!

Akala ba ninyo ay BALA ang pinag-uusapan dito?! Hindi po. SEGURIDAD po ang isyu, Madam Leni.

Ang mga nakalulusot na bala ay kongkretong larawan ng pambabastos at pambabalewala sa seguridad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

So mga suki, let us clear the issue, it’s not the bala, it’s the breach of security in NAIA.

Will you please, make up your mind Ma-dam Leni Robredo?!

Sonabagan!

Nagsalubong pa kayo ng mga panukalang batas ng kapartido mong si banban ‘este’ Bam Aquino.

Madam Leni, Senator Bam, hindi kayo parehong kalbo, huwag kayong magpatawa.

Ang immediate concern ngayon, kung paano matitigil ‘yang ‘tanim-bala’ na ‘yan sa iba’t ibang airports sa bansa.

Hindi dapat maging defensive ang mga opisyal ng administrasyong ito lalo na si Secretary Jose Almendras at si PNoy mismo.

Walang nagsasabi na kayo ang nagtatanim ng bala… pero sa pagkakataong ito mukhang mas maigi pa nga na magtanim na lang kayo ng kamote!

Plaridel Central Elementary School sa Quezon Province laging may bayarin ang mga mag-aaral

GOOD pm Sir Jerry report lang po namin ang talamak na pangongotong ng mga guro sa mga mag-aaral d2 po s Plaridel Central Elementary skul s bayan ng Plaridel, Quezon Province halos araw-araw po may bayarin ang mga mag-aaral po rito at sobra-sobra kung mgbigay ng project. Pakiaksiyonan n’yo namn po mraming salamat po. #+63998311 – – – –

Senior citizen biktima rin ng nakausling tiles sa SM Marilao

GOOD pm po, Ka Jerry pls omit my number and name. Pkibulabog din po sa SM Marilao sa kanilang mga nakausling tiles sa kanilang premises. Ako po na female senior citizen ay biktima rin  ng pagkakadapa sa lugar bago tumawid sa kanilang main entrance tumalsik po ang left lense ng eyeglasses ko, gasgas ang pisngi at 2 buwan bago humupa ang bukol ko sa tuhod. Sana po huwag nang maulit sa iba ang aksidente tulad nang sa akin at ‘yung mga nsa SM Molino n binanggit n’yo sa HATAW nangyari po ito sa akin nong February this year. Tnx po. – Mrs. Francisco #+63919 – – – – – – –

Barangay officials sangkot sa illegal?

GOOD day po idol, paki naman ung Barangay 733 Zone 80 sa Manila. Grabe dito. Lahat na yata ng illegal nand2 na sangkot ang mga brgy official. #+63928906 – – – –

Mastermind sa nawawalang pera sa ATM

MAGANDANG gabi po. Hindi ko na kaya itago ang kawalanghiyaang ginawa ng anak ni General Ricardo David. Siya ang mastermind sa mga nawawalang pera sa ATM. Kung maaala n’yo po, ‘yung nahuling IT Rafael Malacay Marcial, dati puppet lang ‘yun ng anak ni General David. Siya po si IT Russel M. David. Siya po ang mastermind ng mga nawawalang pera sa ATM at banko. #+630929700 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *