Friday , April 26 2024

Star Cinema, wala pang napipili para mag-Darna

110915 sofia julia jessy liza angel

00 fact sheet reggeeMUKHANG nagsu-survey pa ang Star Cinema kung sino ang gaganap na Darna sa TV series/pelikula nila dahil base sa nalaman naming taga-ABS-CBN ay wala pa naman daw talagang napipili as in.

Binanggit namin sa aming kausap na lumutang ang mga pangalan nina Liza Soberano, Sofia Andres, Jessy Mendiola, at Julia Montes na pinagpipiliang maging Darna.

“Talaga?  As far as I know, wala naman pang napili, sa pagkakaalam ko, walang sinasabi pa sa amin,” kaswal na sagot ng aming kausap na taga-Dos.

Samakatuwid, ‘yung binanggit ni Angel Locsin sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda na may napili na ang Star Cinema ay hindi pa concrete o wala pang mukha kung sino ang kapalit niya bilang si Darna, Ateng Maricris?

Kasi kung mayroon ng napiling Darna, tiyak alam ito mismo ng mga taga-Dos na nasa mataas na posisyon.

Baka nga depende sa survey kung sino ang gusto ng netizens na maging Darna.

Samantala, sa mga pangalang nabanggit ay nangunguna ang pangalan ni Liza na bagay daw maging Darna.

Pero teka, hindi ba masyadong bata si Liza para maging Darna, ateng Maricris.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *