Thursday , April 25 2024

Land Transportation Office (LTO) may maayos na operation pa ba!?

LTOMARAMI ang nagtataka kung bakit sa loob ng huling limang taon ay palpak na palpak ang operasyon ng Land Transportation Office (LTO).

Ilang buwan na lang at matatapos na ang administrasyon ni PNoy pero wala pa rin tayong nakikitang kanais-nais sa performance ng LTO.

Dati, napakabilis mag-renew ng lisensiya. Pupunta lang sa satellite offices sa mga mall, malilibang na, komportable pa habang hinihintay ang mabilis na processing.

Pero ngayon, isinara lahat ang satellite offices ng LTO — ang rason nila, for systems upgrade kuno.

Wee? Hindi nga?!

E sa totoo lang, kapag nag-renew ka ng lisensiya ngayon, mauubos ang oras mo sa haba ng pila sa isang mainit na opisina.

Kapag natapos na ang proseso, resibo o tiket lang ang hawak ng motorista kasi wala pang card sa lisensiya.

Ganoon din sa pag-a-apply ng plaka. Kung ano-anong dakumento lang ang ibibigay sa mga aplikanteng motorista pero wala pa rin plaka.

Sa kasaysayan yata ng LTO, ‘e ngayon lang nangyari ‘yan?!

Kanino bang legacy ‘yan?

Kay Asec. Alpunso ‘este’ Alfonso Tan!?

E malapit na kayong mag-disappear pero sandamakmak na sakit ng ulo pa rin kayo sa taong bayan!

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *