Friday , March 29 2024

Kiray, leading lady ni Derek; pumayag pang makipaghalikan

110315 Kiray Celis derek ramsay

00 fact sheet reggeeTAWANG-TAWA kami kay Kiray Celis dahil idinaan na lang niya sa biro ang mga hinaing niya sa buhay na kahit hindi niya diretsong sinasabi ay ramdam namin.

Oo nga naman bata palang si Kiray ay nagtatrabaho na siya at hindi lang para sa kanya kundi pati sa pamilya niya kaya nagkakabiruan sila ng kasama niya sa #ParangNormalActivity na si Shaun Salvador na sarili nito ang kinikita at siya rin ang nagba-budget.

May mga trabaho ang magulang at kapatid ni Shaun kaya wala siyang responsibilidad sa pamilya kaya ang sabi ni Kiray sa binata, ”gusto mo palit tayo ng pamilya?”

At nabanggit ni Kiray na kailangan niya ng maraming raket kasi nag-iipon siya ng pambili ng bahay na hanggang ngayon ay nangungupahan pa rin sila at sa kanya rin nakatira ang kapatid niyang may asawa’t dalawang anak na maliliit pa.

“Sobrang love ko ang mga pamangkin ko, adik ko sa kanila, dati ‘pag nasa mall ako, iniisip ko kung anong damit na bagay sa akin, ngayon para ako ang may anak, like ‘pag may nakikita akong maliliit na sapatos, iniisip ko na bagay na sa kanila,”  nakangiting kuwento ni Kiray.

TAGAPAGTAYUGOD NG PAMILYA

Bakit sa kanya nakasandal ang kapatid niyang may pamilya na at bakit ayaw magtrabaho?

“Eh wala, eh. Not so brainy, you know,”  pabirong sabi ni Kiray.

Ganitong biro namin na baka madagdagan ang pamangkin niya, ”naku, tumigil sila, ipatatanggal ko ‘yun, chos,” tumatawang sagot naman ng komedyana.

May effort naman daw ang kuya niyang magtrabaho, ”actually gustong magtrabaho ng kuya ko, kaso mas malaki pa ‘yung ibinibigay namin pang-araw-araw na pamasahe niya kompara sa kita niya. Wala namang naibibigay na suweldo kaya sabi ni mama, rito ka na lang sa bahay.”

At bilang ganti naman ng kuya niya ay asikaso naman daw siya nito sa mga gamit at pangangailangan sa shooting o taping, ”siya ang tagahanda,”saad ng dalaga.

AYAW MAG-BF DAHIL SA PAMILYA

Dahil walang boyfriend since birth ay tinanong namin kung makakapag-asawa pa kaya siya sa laki ng responsibilidad niya, ”oo naman, sa landi kong ito, chos,” tumawang sabi sa amin.

Bumilib kami kay Kiray dahil isinantabi niya ang lovelife na kahit may nagpaparamdam na sa kanya noon ay hindi natuloy dahil, ”malakas ang paninindigan ko na mahal ko ang pamilya ko kaysa boys.”

Tinanong namin kung nag-aaral si Kiray, ”nag-aaral ako, home study ako pero noong nag-Ondoy ‘yung mga test papers ko nawala, tapos parang hindi sila naniniwala, kaya sabay kong kinukuha ang first year at second year, na-submit ko na ‘yun ibang test papers, pero ‘yun modules wala.

“High school pa lang ako, ganoon ka-late kasi tina-try ko mag-every day school, boring kasi ang home study, pero hindi ko talaga kaya lalo na ‘pag ang dami kong raket, hindi naman ako nawawalan, ngayong month na ito sobrang lala talaga, kaya kulang na kulang ako sa tulog,” pangangatwiran ni Kiray.

Hindi naman daw siya nagrereklamo sa sunod-sunod niyang raket dahil blessings ito at kailangan nga niya dahil siya lang ang inaasahan ng pamilya niya.

Mahusay si Kiray kaya hindi siya nawawalan ng raket lalo na sa out of town at sobra siyang nagpapasalamat sa IdeaFirst Company dahil ginawa siyang regular sa comedy-horror ng TV5 na#ParangNormalActivity.

Star Magic artist si Kiray, pero wala siyang regular na programa sa ABS-CBN kaya mabuti na lang at may TV5 na sumalo sa kanya para may kita siya.

Sabi nga ng komedyana, ”sobrang saya namin dito sa ‘#ParangNormalActivity’ kasi ‘yung mga staff parang kabarkada lang namin, walang kiyems, ang saya-saya talaga namin.”

Kasama si Kiray sa pelikulang Wang Fam ng Viva Films na idinirehe naman ni Wenn Deramas, pero wala siya sa nakaraang presscon.

GUWAPONG-GUWAPO KAY DEREK

Bukod dito ay kasama rin siya sa Love Is Blind ng Regal Entertainmentna pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Solenn Heussaff na ang direktor ay si JP Laxamana at ipalalabas sa Enero 2016.

Inunahan na kami ni Kiray sa tanong namin kung ano ang papel niya, ”ako leading lady ni Derek dito, tita Reggee,”  seryosong sabi ni Kiray.

Nag-make face kami kasi ‘di ba naman Ateng Maricris.

“Totoo nga, ano ‘to loko-lokohan? Ayaw mo talagang maniwala, tita Reggee? Ako nga leading lady, first kissing scene ko sa big screen,” sabi ulit ng dalaga.

At para pagbigyan ang ilusyon ni Kiray sabi namin na baka may magic at magiging siya si Solenn ‘pag gumanda.

“Basta, walang magic, walang possess, romantic-comedy ito, seryoso nga ako, nagmamaganda ito,”diin ulit ng komedyana.

Hindi itinago ni Kiray na guwapong-guwapo siya kay Derek kaya tinanong namin kung sino ang mas gusto niya, si Sam Milby na long time crush niya o ang morenong hunk actor?

“Sam or Derek? Ang hirap naman, crush ko si kuya Sam pero love ko si kuya Derek parang sobrang perfect niya, alam mo ‘yun tall, dark and handsome, tapos ang galing niyang umarte,”biglang nagseryosong sagot ni Kiray.

Kaya balik-tanong namin na hindi ba magaling umarte si Sam para kay Kiray, ”magaling din naman si kuya Sam, kaya lang amboy-amboy.”

“Si kuya Derek, pinakikitaan niya ako ng mga karu (kotse) niya, Ferrari, every shooting namin iba-iba ang karu niya,” kuwento pa.

At sumasakay naman siya sa mamahaling sasakyan ni Derek at saan sila nagpupunta?

Mabilis na sagot ni Kiray, ”I’m not that kind of girl, wow, sabe! Nagso-shooting nga kami sa Tagaytay tapos nagyaya si kuya Derek sa bahay nila, sabi ko pass ako, mas gusto ko pang matulog, dahil kulang ako sa tulog, uunahin ko pa ang landian.”

Oo nga naman, at least hindi nagpadala si Kiray sa kaguwapuhan ni Derek at sa mga mamahalin nitong sasakyan.

Saludo ako sa ‘yo Kiray, you’re not that kind of girl talaga!

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *