Friday , April 26 2024

Gabrielle, okey na makasama si Sharon sa concert

110315 Sharon Cuneta garie concepcion

00 SHOWBIZ ms mSI Joed Serrano, may-ari ng CCA Entertainment Productions Corporationang may hawak ng career ni Gabrielle Concepcion, anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna. Kaya hindi imposibleng magkaroon din ng malaking concert ang dalaga dahil dito nakilala ang dating member ng That’s Entertainment, ang pagpo-produce ng malakihang concert ng mga local at foreign artist.

Sa contract signing ni Garie (tawag sa dalaga) nasabi nitong pinaplano na nila ang malakihang concert ng alagang si Garie.

Samantala, sa contract signing ng dalaga sa Warner Music Philippines ay hinanap ang presence ng kanyang amang si Gabby o ng half sister niyang si KC Concepcion dahil important event nga naman iyon sa  sa buhay niya.

”Si Papa po, I know that he’s been in and out of the country. I’m not sure if he’s back, matagal-tagal na rin po kaming hindi nagkikita ni Papa, and my ate (KC) naman po, she’s receiving an award in New York, I’m not sure lang po kung anong award ‘yun but she flew out last weekend,” ani Garie na naroon naman ang ina at mga kapatid sa ina para suportahan siya.

Si Garie, 26, is making a name for herself sa showbiz as a singer even noon pa man. Dati na kasi siyang nasa Star Records at nakagawa na ng isang album. Pero bigla siyang dahil nag-aral siya sa New York Film Academy sa US. Two years din siyang nawala at ngayong tapos na siya handang-handa na siya sa pagbabalik-showbiz.

Natanong si Garie kung pangarap ba niyang makasama si Sharon Cuneta sa isang concert.

“Okay lang naman po sa akin iyon. Whatever it is that happened in the past sa parents eh tapos na po ‘yun, matatanda na po kami, puwede na nga kaming ikasal ng ate ko, eh. Puwede na rin kaming magka-anak.

“Past is past. If it’s okay with her (Sharon), then it’s fine with me and I tnink, my Mom is okay with it, too. I think she’s past that,” paliwanag ni Garie.

Nang tanungin naman kung gusto rin ba niyang makasama si KC sa isang movie,”oo naman, magandang opportunity rin yun para makapag-bonding kami.

“Kung papayag naman si ate, why not? Bonding moment na rin namin ‘yun if ever kasi busy si ate ngayon so hindi kami masyadong nagkikita,” giit pa niya.

Kapansin-pansin ang pagkakahawig ng boses o pagsasalita nina Garie at KC kaya kung hindi mo siya makikita, mapagkakamalan mong siya si KC.

Released na ang first self-titled EP album ni Garie sa Warner Music na naglalaman ng limang tracks tulad ng Love Me Again, Mula Ngayon, at Shadow Me Down na siya mismo ang nagsulat kasama ang kanyang kaibigan mula Amerika.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *