Friday , March 29 2024

Parang may Pacquiao fight pag AlDub day

00 pulis joeyALDUB rito, AlDub doon, AlDub kahit saan… Kaya ride narin ako, AlDub narin. Lol!!!

Nitong Sabado ng tanghali, habang nasa kasagsagan kami ng aming trabaho, biglang nawala sa kanilang upuan ang mga empleyado ko. Ako nalang ang natira sa working place. May nagsisigawan at nagtatawanan sa kabilang division kungsaan may TV set. Sinilip ko… walanghiya… AlDub time na pala. Tsk tsk tsk… nakiusyoso narin ako. Hahaha…

Matindi talaga ang dating sa masa, maging sa mga propisyunal itong “kalye serye” (AlDub) ng Eat Bulaga, nakakikilig daw at nakatatanggal ng pagod at problema. Kaya sa Sabado… papanoorin ko narin ito para hindi ako maiwanan sa kuwentuhan ng mga trabahador ko. Hehehe…

Sabi ng mga traffic enforcer sa Tondo, parang may laban si Pacquiao pag araw ng Aldub (Sabado), malinis ang kalye, pati mga computer at internet shops ay nawawalan ng kostumer, lahat nakatutok sa TV set, sa AlDub!

Tuloy natigbak si Pastillas Girl, pati ang Showtime ni Vice Ganda naging… walang lang…. Peace, Vice!

Makiki-AlDub narin ako sa Sabado. Pramiz! Lol!!!

Ibigay na sa SSS pensioner ang increase na P2K!

– Dapat ibigay na sa mga pensioner ang karagdagang P2K ng SSS upang makinabang na ang mga senior citizen kaysa gamitin pa ng mga magnanakaw na kandidato sa ating bansa. Dapat unahin na ang mga senior citizen dahil kakaunting buhay na ang natitira sa kanila. Tanging si PNoy lamang ang nagbigay ng 5% sa mga pensioner, habang si ex-PGMA ay 10% ang ibinigay sa mga pensioner sa SSS. Hindi po ito tuwid na daan. Salamat! – Estrella ng Sta. Cruz, Marinduque

Sabi ng mga Senador, mabilis pa sa alas-kuatro na maipapasa ang P2K increase sa SSS pension. Ganun ba? Aba’y ipasa nyo na at nang matikman na yan nina lolo’t lola. Now na!

‘Matik’ jailguard sa Manila City Jail

– Sir Joey Venancio, dito po sa Manila City Jail ang mga mahilig sa “Matik” o lagay para makapasok ang dalaw ng hindi na pumipila ay sina JO1 P. at V.. Sana makarating po ito sa pamunuan ng BJMP laluna sa DILG Secretary. Salamat po. – Concerned dalaw ng MCJ

Sino ba ang warden ngayon ng MCJ? Paki-imbestigahan lag po nito, Kernel!

Pasig City Engineering Office, para sa inyo ito!

– Sir Joey, mananawagan lang po kami sa taga-City hall ng Pasig Engineering Office saka sa action line at TPMO C3. Ilang beses narin po kami dumulog sa kanilang tanggapan tungkol sa problema namin mga driver ng tricycle. Dito po kasi sa Bambang, Pasig City, nakahambalang mga trak at construction materials ng St. Gerrald Construction. Pati yung sidewalk sinakop narin po nila, halos papaikot sa karsada. Kaya ang nangyayari po ay bulagaan ang mga sasakyan. Delikado po yun kapag biglang-liko, hindi po kita, gawa ng mga trak nila. Sana matulungan ninyo kami mga  driver ng tricycle. Salamat. – 09330237…

Paging St. Gerrald Construction management: Remember the word “Safety first!” sa inyong negosyo.

Mga salot na tulak sa terminal sa Doroteo Jose Avenida (Manila)

– Mr. Venancio, isa po ako sa mga naperwisyo ng talamak na pushers dito sa mga terminal sa Doroteo Jose Avenida (Sta. Cruz, Manila). Kawawa po ang pamilya na napabayaan. Paki-tutok lang po at i-surveillance po sila. Huwag po pakita ang number ko baka mapatay po ako. Marami silang nagtutulak dito may mga kapit sa pulis. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *