Thursday , April 18 2024

Recall & review hiring of 200 IOs (Paging: SoJ Alfredo Caguioa)

mison immigratin applicationNITONG nakaraang Martes ay opisyal na inihayag ang pangalan ni Chief Presidential Legal Adviser Alfredo Benjamin Caguioa bilang bagong DOJ Secretary kapalit ni outgoing DOJ Sec. Leila De Lima.

Maraming natuwa sa Bureau sa bagong development. Marami ang umaasa na kasabay sa pamamaalam ni Sec. De Lima, ay kasunod na marahil ang katapusan ng pamamayagpag ni Comm. “good guy” kuno.

Balita kasi na nadesmaya at luhaan daw si Miswa ‘este’ Mison nang hindi ang kanyang minamanok na si resigned DOJ Usec. Justiniano ang naging DOJ secretary.

Anyway, kung meron mang dapat bigyan nang agad na atensiyon ang bagong DOJ secretary, ito marahil ang pagrebisa sa nangyaring hiring ng 200 Immigration Officers na sapilitan daw pinalusot nitong si pabebe-Comm. Mison bago lumayas ‘este’ umalis si De Lima!

Sobrang garapalan daw ang nangyaring palusutan kaya bigla raw nag-voluntary exit bilang PSB Chairman si Atty. Roy P. Ledesma.

Hindi na raw masikmura nitong si RPL ang illegal na sistema sa OCOM na pilit nilang isinalaksak ang mga pangalan ng mga ‘bata’ nila kahit bagsak sa qualifying exam, panel interview at kulang na kulang sa eligibility.

Sonabagan!!!

At bigla palang tinamaan ng amnesia ang mga tao riyan sa BI-OCOM at nalimutan na ang paek-ek nilang tuwad ‘este’ daang matuwid.

Hindi ba kayo nangingilabot sa mga style bulok na diskarte n’yo riyan? May painte-integrity pa kayong nalalaman ‘e talaga namang wala kayong integridad?!

Kung ako sa inyo, tulungan n’yo na magba-lot-balot ‘yang amo ninyong si Comm. Fred ‘dondon’ Mison  bago kayo tamaan ng indulto!

Calling your attention, Hon. SOJ Caguioa, baka po pwede pong pakibigyan ng attention ‘yung naging sistema sa nakaraang hiring ng 200 IOs na nagdudulot ngayon ng demoralization sa BI rank & file employees?

Masyado po yatang naging lutong makaw courtesy of Atty. Tralala and Atty. Bactidol y plantsador!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *