Thursday , April 25 2024

Boldstar na tumatakbong senador tinawag na ilusyonada (Ano raw ba ang napatunayan at naitulong sa bayan)

050615 blind item woman
KUNG ‘yung dating miyembro ng all female sexy group na tumatakbong vice mayor ngayon sa kanilang lugar at beauty queen turned singer actress na kandidato bilang mayor ganoon na rin ang sexy comedienne na running naman for vice governor ay medyo hindi pa pinagtataasan ng mga kilay.

Pero itong beteranang boldstar na naging isa sa angels ni Tito Dolphy noong dekada ‘80 na nag-file rin ng kanyang COC at tatakbong senador na walang partido at independent ay tinawag na ilusyonada ng ilang netizens.

Paano naman kasi hindi aarko ang kilay ng mga taong active sa social media ‘e kahit saan tingnan ay parang wala naman yatang karapatan sa mataas na posisyon ang hindi na active sa showbiz na sexy actress.

Ang tanong nila, bukod sa pagiging misis ng mayamang Chinese businessman, ano raw ba ang napatunayan at naitulong ng dating hubadera sa taong bayan?

Well baka naman mahilig magkawanggawa ang tinutukoy nating actress at kanya lang itong inililihim.

Saka sabi kaya malakas ang loob ay dahil marami siyang supporters.

Well wait na lang tayo sa 2o16 kung ilan ang boboto sa kanya gyud!

Ningning patuloy sa paghahatid ng good vibes sa TV viewers Jewel nagtapat na sa kanyang ultimate crush na si Mang Chris

072715 Jana Agoncillo Ningning ft

Ngayong araw (Oktubre 21) ay nasa pang-63 episodes na ang pinapanood ninyong morning comedy-drama series ni Jana Agoncillo na “Ningning” sa ABS-CBN PrimeTanghali pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters.

Kaya hindi pinagsasawaang panoorin ng bawat kapamilya ang seryeng ito kasi bukod sa maganda at makabuluhang istorya ng “Ningning” pawang good vibes ang hatid ni Jana sa lahat ng kanilang viewers.

Never pang sumagi sa isipan ng bata ang mga negang bagay at maituturing talaga siyang role model ng mga katulad niyang bata. Pag-aaral ang kanyang inaatupag at gustong maabot ang lahat ng pangarap niya para sa pamilya sa gabay ng kanyang Tatay Dondon (Ketchup Eusebio) at Mamay Pacita (Sylvia Sanchez). Ganoon na rin ng kapamilya na ang turing sa kanya na si Teacher Hope Cruz na ginagampanan ni Ria Atayde. Napalapit na rin ang loob ni Ningning sa lolo ng kanyang teacher Hope na si Lolo Kiko (Freddie Webb).

Samantala ipinagtapat na ni Jewel (Pooh) ang matagal nang nararamdamang paghanga kay Mang Chris (Rommel Padilla) at pinuri naman siya nito sabay sabing magkaibigan lang sila dahil may iba siyang mahal sa katauhan ni Mamay Pacita.

Tanggapin kaya ni Mamay ang pag-ibig na iniaalay sa kanya ni Mang Chris, na sobra ang pagtatangi sa kanya. Sina Otep (Vandolph) at Eva (Mercedes Cabral) ay masaya sa kanilang love and hate relationship.

Subaybayan mula Lunes hanggang Biyernes ang simple at masayang buhay ni Ningning.

Part din ng cast si Tanya Garcia at Nyoy Volante na gumaganap na nanay at tatay ni Macmac (kaklase at kaibigan ni Ningning) na si John Steven de Guzman, ganoon na rin ang beteranang character actress na si Vangie Labalan bilang Aling Candy.

Ang Ningning ay mula sa mahusay na direksyon nina Jeffrey R. Jeturian at Paco Sta. Maria.

Clark balik San Francisco na nga ba? Jigs balik-Pinas para kay Leah sa top-rater show ng Dreamscape na OTWOL

092115 jadine kiss james nadine

Tuwing gabi ay hindi pwedeng walang kilig moments na mapapanood sa most romantic-comedy TV series ng taon at isa sa top-rating na shows ngayon sa ABS-CBN Primetime Bida na “On The Wings Of Love.”

Paano parehong may kakaibang magic o koryente ang mga pangunahing bida sa serye, ng Dreamscape Entertainment na sina James Reid at Nadine Lustre na may appeal o karisma na kaiinlaban mo talaga ang mga sweet na mga eksenang pinagagawa nila sa OTWOL, sa ilalim ng direksyon ng Reyna ng Hugot film na si Antoniette Jadaone kasama ang direktor na kilala sa paggawa ng mga inspirational drama series na si Jojo A. Saguin.

Lalo na ngayong tuwing weekend ay natutulog si Clark (James Reid) sa bahay ng kanyang tinatawag na wifey na si Leah (Nadine Lustre). Dahil ito kay Mang Sol (Joel Torre) na non-stop ang mga challenge na ibinibigay kay Clark para mapatunayan lang kung mahal ba talaga ng binata ang kanyang dalaga.

Pero mukhang kahit na mahal na mahal si Clark sa bigat ng problemang dinadala ngayon ni Leah, sanhi ng inaakala niyang niloko sila ng kanyang Nanang Rona (Isay Alvarez) na hanggang ngayon ay hindi nila matanggap ng kanyang Manang Tiffany (Bianca Manalo). Mukhang susukuan na niya ang lalaking nagpaibig sa kanya sa Amerika. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang drama ngayon ni Leah na gusto nang pabalikin si Clark sa States. Pero ayaw ng binata dahil mahal na nga siya nito at gusto siyang makasama lagi.

Samantala para sa kinamamatayan niyang si Leah ay gumawa talaga ng paraan si Jigs, para makabili ng plane ticket pabalik ng Pinas. Nag-away sila ng kanyang mama Jack (Cherry Pie Picache) dahil ang gusto ay manatili siya sa San Francisco at tuparin ang kanyang pangarap hindi ‘yung nakasentro na lang ang buhay sa dating nobyang si Leah na si Clark na nga ang mahal.

Pinatunayan ni Jigs na siya talaga ang Pambansang bully ng kanilang serye. Abangan, kung matutuloy ang pag-uwi niya sa Pinas.

Hindi talaga nakasasawang subaybayan gabi-gabi ang ka-sweet-an nina James at Nadine gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *