Friday , April 26 2024

‘House Independent Bloc Leader’ pasok sa senatorial race

 

PORMAL na naghain ng certificate of candidacy (COC) sa main office ng Commission on Elections (Comelec) para pagka-senador si House Independent Bloc leader at 1st District Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez kahapon ng umaga.

Bitbit ang bandila ng Lakas-CMD bilang presidente ng partido, ginawa ni Romualdez ang pormal niyang pagsabak sa ‘senatorial race’ sa tanggapan ng Comelec kasama ang kanyang misis na si 1996 Bb. Pilipinas-International Yedda Marie M. Kittilstvedt, inang si Juliet Gomez-Romualdez, kapatid na si Benjamin Philip at tiyahing si Leyte Congresswoman at former First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

“I am here today as part of my commitment to honor the Romualdez legacy of dedicated public service.  Panahon na upang suklian natin ang malasakit na ibinabahagi ng ating mga kababayan nang mas ibayo pang pagmamahal. Gagawin ko itong personal kong misyon, hindi lamang sa amin sa Leyte kundi sa buong bansa,” ang pahayag ni Romualdez sa mga taga-media matapos magsumite ng kanyang COC.

Ayon kay Romualdez, pangunahing isusulong niya sa Senado ang batas para sa kapakanan ng mga kabataan, persons with disabilities (PWDs) gayondin ang may kinalalaman sa climate change, urban disaster at ethnicity.

Sa kanyang tatlong termino bilang kongresista, kabilang sa mga panukalang batas na iniakda niya ay para sa micro-business enterprises, rebuilding efforts sa mga probinsyang sinalanta ni supertyphoon Yolanda.

Patungkol sa PWDs, nais ni Romualdez na ilibre sila sa value-added tax (VAT), base sa inihain niyang House Bill 1039 o “An Act Exempting Persons with Disability from the Value-Added Tax on Certain Goods and Services.”

Sinusuportahan din niya ang panukalang pababain ang personal income at corporate tax rate at may iniakda rin siyang HB 1225 o “An Act Establishing a National Cancer Center to be known as the Philippine National Cancer Center” para sa kinakailangan gamutan ng cancer patients, at ang HB 3486 para sa pagbuo ng Department of Disaster Preparedness and Emergency Management o DDPEM.

“The sole duty of DDPEM is to help victims of disasters and calamities and will focus on natural disasters without the ugly red tape that has caused many delays in the delivery of immediate assistance needed by the victims,” paliwanag ni Romualdez hinggil sa kanyang HB 3486.

Si Romualdez ay isang respected lawyer-cum-constitutionalist, na kasalukuyang presidente ng Philippine Constitution Association (PHILCONSA), isang organisasyon na nagtatanggol at pinoprotektahan ang Saligang Batas ng Pilipinas.

About Jethro Sinocruz

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *