Friday , April 19 2024

Gawain ninyo babalik sa inyo

USAPING BAYAN LogoNAGPASYA ang United Nations Working Group on Arbitrary Detention na “arbitrary at illegal” ang patuloy na pagkakadetine ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ibinaba ng UNWGAD ang desisyon matapos ang masusing pagdinig sa petisyon na inihain ng international human rights lawyer na si Amal Clooney na humihiling na palayain ang dating pangulo.

Ayon sa UNWGAD dapat irekonsidera ang kahilingan ng dating pangulo na makapagpiyansa “in accordance with the relevant international human rights standards and to accord Ms. Arroyo with an enforceable right to compensation… for the deprivation of liberty which already occurred.” Malinaw sa kahilingan ng UNWGAD na walang basehan ang mga argumento ng kasalukuyang administrasyong Aquino para sa patuloy na pagkakulong niya. Pero maaari rin na talaga lang mahina ang team na ipinadala ng pamahalaan kasi noong una pa ay binabalewala nila si Ms. Clooney. ‘Ika nga na underestimate nila ‘yung ale.

Paliwanag ni Ms. Clooney, maybahay ng actor na si George Clooney at kaibigan ng pamilyang Arroyo, na kinilala ng UNWGAD na “politically motivated” ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyong Aquino laban kay Ms. Arroyo. Idinagdag niya na pinansin ng UNWGAD ang pagsuway ng administrasyon sa kautusan ng hukuman na payagan bumiyahe si Ms. Arroyo sa ibang bansa para magpatingin sa doctor.

“As a result of the exercise of her right to take part in government and the conduct of public affairs” and “because of her political…opinion (Ms. Arroyo was detained),” diin ng abogada.

Pero binaliwala at niliit ng mga opisyal ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III at ng Sandiganbayan, kung saan isinakdal si Ms. Arroyo, ang desisyon ng UNWGAD. Sabi nila hindi maaring makialam ang UN sa kasong kinasasangkutan ng dating pangulo. Wala daw epekto at hindi “legally binding” ang desisyon. Idiniin pa nila na “non-bailable” ang kaso na plunder ni Ms. Arroyo.

Alam kaya ng mga ito ang sinasabi nila? Nakalimutan kaya nila na may kaso silang isinampa sa UN laban sa Tsina dahil sa pagkamkam nito ng ating teritoryo? Kung hindi nila papansinin at iinsultuhin pa nila ang UN eh paano kung ganun din ang gawin ng Tsina kaugnay ng kaso na inihain natin laban sa kanila?

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *