PUNTIRYA ng Comelec na malinis sa nuisance candidates ang listahan ng mga kandidato sa buwan ng Disyembre.
Ginawa ni Comelec Chairman Andres Bautista ang pahayag dalawang araw bago ang pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa Lunes.
Ayon kay Bautista, mahalagang maisaayos ang pinal na listahan dahil kailangan itong maimprenta at mailagay sa automated machines.
Dahil dito, pagbibigyan nila ang mga partido at grupo na magsagawa ng protesta o ‘alteration’ ng mga pangalan ng mga kandidato hanggang Disyembre. (L. BASILIO)