Friday , March 29 2024

Nakausling tiles sa SM City Molino, Bacoor, Cavite perhuwisyong totoo sa mall-goers! (Mag-ingat!)

00 Bulabugin jerry yap jsy
HINDI lang isa kundi marami na po tayong reklamong natatanggap tungkol sa nakausli at basag-basag na floor tiles diyan sa SM City, Molino.

Ang pinakahuling insidente nga ‘e talagang naperhuwisyo pati hanapbuhay at trabaho ng biktima.

Mantakin ninyong naglalakad kayo sa loob ng isang mall tapos biglang sasabit ang takong ng sapatos ninyo. Aba siyempre, tiyak na mada-dapa o matutumba kayo.

Kahit hindi nakatakong, kahit nakasapatos o naka-tsinelas pa tiyak na matitisod sa nakausling basag-basag na floor tiles.

‘E paano kung toddler o bata ang biktima, sino ang sisisihin ‘yung magulang na kasama o kaya ‘yung yaya?!

Dahil nadapa nga ‘yung pinakahuling biktima nagkaroon siya ng injury sa paa at naturalmente hindi siya nakapagtrabaho nang ilang araw.

Hindi po siya rich.

Ang kanyang kabuhayan ay iniaasa lang niya sa kanyang suweldo bilang isang empleyado. ‘E kung ganyang naaksidente siya, ano ang mangyayari sa hanapbuhay niya?!

Naghain nga raw siya ng demand letter para sa compensation for loss of income and opportunities noong Setyembre 10 (mag-iisang buwan na po) pero lagi lang sinasabi sa kanya na i-follow-up na lang.

Bago naman matapos ang Setyembre ‘e naibalik sa kanya ‘yung nagastos niya sa gamot at x-ray pero ‘yung araw na hindi siya nakapagtrabaho ‘e hindi na isinama sa bayad.

Bukod doon pinapipirma pa siya sa isang waiver na matapos siyang mabayaran sa nagastos niya sa ospital ay wala nang pananagutan sa kanya ang management ng Mall.

E paano ‘yung araw na hindi siya nakapagtrabaho dahil sa injury na nakuha niya sa nasabing insidente? Wala na lang ba ‘yun?

Noong una ay humaharap pa sa kanya ‘yung manager, aba nitong huli ay pinagtataguan na rin daw siya.

Ano ba talaga ang nangyari SM City Molino manager?!

Hindi ba ninyo naiintindihan na mayroon kayong pananagutan dahil ang perhuwisyong inabot ng biktima ay dahil sa nakausling floor tiles ninyo?!

Tutal naman ay binayaran na ninyo ‘yung tao sa mga gastos niya sa inisyal na pagpapagamot niya bakit hindi pa ninyo lubusin nang sa gayon ay makita talaga na in good faith kayo sa pagtulong sa kapwa.

Marami kayong ipinakikitang charity works bilang corporate social obligations bakit hindi ninyo unahin bigyan ng konsiderasyon ang mga napeperhuwisyo ninyong customers dahil sa mga basag-basag na floor tiles ninyo.

Uulitin ko lang, sana hindi bata ang maaksidente diyan sa dispalinghado ninyong floor tiles, dahil kung hindi, tiyak na sasakit ang ulo ninyo!

MAY SALAMANGKA BA SA DATABASE NG IMMIGRATION?

It seems na kanya-kanya na talagang diskarte ang mga palusutan diyan sa iba’t ibang divisions ng Bureau of Immigration.

Recently lang ay may nadiskubreng modus ang ilang database administrator ng Bureau na ang ilang blacklisted Chinese nationals ay milagrong na-lift sa blacklist ang mga pangalan sa database nang hindi dumaraan sa tamang proseso.

What the fact Immigration Queen of fixers Betty Chuwawa!?

At mukhang napalusutan na naman ba si Commissioner Fred ‘greencard’ Mison?

Sa isang confidential report na ginawa ng isang database administrator, isang XIE, CHUNHUI at YANG, QI na parehong blacklisted Chinese nationals ay pinagtatakhan na nakapaglabas-pasok na sa bansa nang walang kahirap-hirap.

Ibig sabihin, malamang dalawa lamang ang nasabing Chinese nationals sa mga nadiskubreng na-magic sa computer ng BI ang pangalan.

So paano naman ang iba!?

Paano kung malaman natin na hindi lamang pala mga tsekwa ang nakagagawa nito kundi pati na rin iba’t ibang high risk foreign nationals!

Mga drug syndicates, murderers, pedophiles at involve sa cyber crimes?

E ‘di paktay na ang bansang Filipinas!

Sonabagan!!!

Hindi nga nakapagtataka na tayo ay maging pugad ng mga nakapangingilabot na mga pugante galing sa iba’t ibang panig ng mundo at ‘yan ay dahil sa kapabayaan ng administrasyon ng anak ni Mang Badong?

So anong masasabi mo rito, Comm. Fred ‘dondon’ Mison?

Inakala mong loyal followers mo, pero ikinakanal ka na yata?

Effective ba talaga ang “good guys in bad guys out” mo? Waley ho ba?

Isang malaking WALEY!!!

PURO INJURY SA DAANG MATUWID

SABI ni Mar palawakin pa raw ang daang matuwid! Anu cia hilo? Puro bangga na nga inabot natin ke Pnoy na dala lagi ang kanyang sarcastic smile. Pki-omit po last 3 nos ko at baka ma-bully txt ako. #+63936280 – – – –

BATAS TRAPIKO SA PINAS INUTIL

KUYA Jerry, good day/night po. Sana malaman po para kay MMDA chief Tolentino. ‘Wag na siya gumawa ng batas trapiko na ‘di ipinatutupad, anu nangyari sa Blue Line ng EDSA para sa mga motorsiklo? Sayang lng ang road test ni Honasan at Ramos. Palpak ‘yun 60kph run pag may parteng maluwag sa EDSA. Ang bibilis tumakbo ng mga sasakyan, hindi na rin ipinatupad. Wala na humuhuli. Ang problema naman trapik diyan pag mataong lugar taxi, bus, jeep pag walang sakay nakaparada nang matagal o usad pagong. Kuha nila tatlong lane kaya nagtatrapik, alisin niya mga illegal terminal at huliin mga abusadong driver. ‘Wag na gumawa ng batas ‘di tinutupad. Para kay MMDA Tolentino, kung ako siya, gagawin ko, coding pag ako nakaupo tuwing Lunes 1 2 3 4; Martes 5 6 7 8; Miyerkoles 9 0 1 2; Huwebes 3 4 5 6; Biyernes 7 8 9 0. ‘Yan dapat mabawasan ang trapik kahit ano gawin di na mawala tarpik hangang may mga walang disiplinang driver, pumarada nang wala sa ayos at magpapatupad ng batas trapiko. #+63908938 – – – –

 

PUVs SA NEGROS ORIENTAL HINDI NAGDI-DISCOUNT SA ESTUDYANTE AT SENIOR CITIZEN

GOOD am Ka Jerry, sumbong ko lang po, doon sa Negros Oriental lalo na sa Bais City lahat ng PUV lalo n Ceres Liner, basta lahat ng PUV walang discount student o senior man. Kawawa naman student, kakarampot na baon, alam n’yo naman provencia hirap ng buhay. Sana maiparating sa kinauukulan. TY po Ka Jerry #+63949788 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *