Thursday , April 18 2024

Angelica Panganiban tinatamad nang magbihis!

101015 ian veneracion angelica jodi
MARAMI ang nakapupunang fashion plate na fashion plate ang dating ni Jodi Sta. Maria sa Pangako sa

‘Yo. Imagine, in most of her scenes, she is the personification of a well dressed woman.

In stark contrast, parang tinatamad namang magbihis si Madam Claudia, este Angelica Panganiban.

Why is that so? Bakit parang tinatamad nang magbihis o mag-ayos for that matter, si Angelica?

Kapuna-puna ring kahit si Ian Veneracion ay ismarteng ismarte ring manamit.

Imagine, naka-violet and pink na polo shirt si Ian in one scene, at sa sumunod na eksena ay naka-red t-shirt naman siya.

Indeed, a picture of sartorial elegance!

Pero si Madam Claudia ay parang hindi ko malaman kung nananaba o parang bloated ang kanyang dating.

Kahit nga si Daniel Padilla ay cool na cool ang mga damit at parang kay linis-linis tingnan.

Well, tinatamad na kayang mag-ayos si Angelica dahil sa out and out evil nga naman ang kanyang papel at wala man lang redeeming values whatsoever?

Sana man lang, for once ay gawing sympathetic naman ang character ni Angelica para ganahan man lang siyang umarte at hindi ganyang out and out evil ang kanyang papel.

TAKOT MATALBUGAN!

After everything is said and done, hindi na raw tuloy ang pelikula nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Ang ibinigay na dahilan ni Kris ay kawalan ng time nang kanyang paboritong cinematographer.

At any rate, ang sabi naman ng mga intrigera, takot daw sumagupa sa living phenomenon na AlDub si Krizzy baby dahil alam daw nitong pakakainin siya ng alikabok.

Well, kanya-kanyang diskarte lang ‘yan. Whatever, Kris’s reasons are, let us respect it.

Ang importante, she’s got a hit up her sleeves by way of the movie Etiquette for Mistresses which is a real box-office hit.

At least, nakadale na si Kris ng isang box-office hit kaya gusto na siguro niyang manahimik.

Gusto na raw manahimik, o! Hahahahahahahahahahaha!

Bakit nga naman itutuloy pa niya ang isang proyekto na ang vibes niya’y hindi maganda?

Might as well na manahimik na lang ever. Hahahahahahahahahaha!

NAKIKIUSAP SI BOY ABUNDA

Nakikiusap si Kuya Boy Abunda na bigyan naman ng isa pang pagkakataon si Enrique Gil. After all, this is just the first time that he committed a big faux pas in his career.

Naaawa naman siguro si Kuya Boy dahil nagkataon lang na Enrique had one drink too many, hence he was able to do things that he regretted much later on.

Anyhow, everybody deserves a second chance. Siguro naman, nagsisisi na si Enrique sa nagawa niya kaya mum is the word na lang siya sa mga nasusulat sa kanya.

At ay rate, if only for Kuya Boy’s sake, patawarin na natin si Enrique.

KAPUSO STARS MAAGANG SISIMULAN ANG KASIYAHAN PARA SA MASSKARA FESTIVAL

Maagang sisimulan ng Kapuso stars ang pagbibigay-saya sa inaabangang MassKara Festival kaya naman maaga rin silang darayo sa City of Smiles – Bacolod.

Siguradong makukulay na sorpresa ang nag-aantay sa mga Bacoleño sa pagbisita ng mga Kapuso Network celebrities sa Negros Occidental capital ngayong October 11 at 12.

Dalawa sa lead stars ng Beautiful Strangers na sina Lovi Poe at Benjamin Alves ay excited nang personal na makilala at maka-bonding ang mga Bacoleño sa isang Kapuso Mall Show ngayong Linggo, October 11, sa SM City Bacolod Main Atrium simula 5PM.

Makakasama rin nina Lovi at Benjamin ang stars mula sa GMA afternoon prime series na Destiny Rose. Ang bidang karakter na si Joey na ginagampanan ni Ken Chan, kasama ang kanyang leading man na si Gabriele na ginagampanan naman ng actor-model na si Fabio Ide, ay kapwa naghanda ng special numbers at mga sorpresa para sa kanilang fans.

Walang tigil ang saya dahil isa pang kapana-panabik na mall show ang dapat abangan kinabukasan, October 12, Lunes, sa pagdating ng ilang mga karakter mula sa Buena Familia. Sina Julie Anne San Jose, Julian Trono at Jake Vargas ay makikisaya kasama ang Bacoleño supporters nila sa SM City Bacolod Main Atrium simula 5PM.

Ang malawakang pagpapakita ng mga kulay sa pamamagitan ng mga kasuotan, malalaking mga maskara at headdress ang dahilan kung bakit isa ang Masskara Festival sa mga pinakamakukulay na pagdiriwang sa bansa.

Siyempre, kasama rin dito ang ang masiyahing personalidad at magagandang ngiti ng mga Bacoleño na siyang lalong nagbibigay-kabuluhan sa okasyon. Kaya naman talagang inaabangan ito ng Kapuso stars para makasama ang kanilang mga tagasuporta mula sa City of Smiles.

Para sa latest updates tungkol sa GMA regional events, i-follow lang ang GMA sa Facebook sa www.face- book.com/gmanetwork at ang GMA Regional TV sa www.facebook.com/GMARegionalTV pati na rin sa Twitter and Instagram via @GMARegionalTV.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *