Saturday , January 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Shawie ‘di na feel si Ate Vi, si Ate Guy na ang gusto!

Ate Shawie ‘di na feel si Ate Vi, si Ate Guy na ang gusto!

100615 sharon vilma nora

HINDI na raw idolo si Vilma Santos at biglang naging dyed in the wool Nora Aunor fan na.

‘Yan ang sabi ni Fermi Chakita patungkol kay Sharon Cuneta na biglang kambiyo raw at naging isang instant Noranian only because the superstar made mention of her at the FAMAS.

E, tanga pala ang babaeng ito. Ang sabi ni Ms. Sharon Cuneta when she guested at Kuya Boy’s late evening show, dalawa na raw ang idol niya. Hindi na lang si Ms. Vilma Santos kundi pati na rin si superstar Ms. Nora Aunor.

Nakarating kasi kay Sharon kung paanong nai-share ni La Aunor ang kanyang nakuhang award sa FAMAS sa isang tulad niyang deserving din talaga.

Kaya maling-mali ang sinabi ni Bubonika. Sharon remained to be an avid follower of the star for all seasons but she also has become an avid follower of the superstar.

Hirap kasi sa matandang ito, makalait lang kahit hindi naman ginawa ni Shawie lait nang lait lang.

Panoorin mo nga para malaman mo ang totoo at hindi ganyang inaakusahan mo si Sharon ng isang bagay na hindi naman niya ginagawa.

Behave ha?

Behave raw, o! Hahahahahahahahahaha!

Hirap kasi sa matandang ito, makalait lang, bira nang bira!

IDEAL ANG RELASYON NINA BILLY JOE AT COLEEN GARCIA

Hindi naaapektohan ng katotohanang tatlo na ang shows ni Billy Crawford sa Abs Cbn ang relasyon nila ni Coleen Garcia. Bukod sa It’s Showtime at Your Face Sounds Familiar, meron pa rin siyang Celebrity Playtime na umi-ere tuwing Sabado nang hapon.

Pero walang problema sa kanila ang hectic working sched ni Billy Crawford. Matiyagang naghihintay si Coleen sa It’s Showtime para they can be together after the show.

Ganyan talaga. When there’s a will, there’s a way.

Kita n’yo naman ang dalawang ito, walang problema sa scheduling.

Para-paraan lang ‘yan. Since si Coleen ang hindi masyadong busy, siya muna ang naghihintay kay Billy.

ANG SUKATAN NINA JAMES AT ALBIE… BOW!

Hubad si James Reid sa simula pero hindi rin nakabog si Albie Casino at naghubad na rin.

Pinagalaw pa ni Albie ang kanyang dibdib sabay kindat kay Nadine Lustre.

Hindi rin nagpatalbog si James at kunwari ay nag-stretch ng kanyang katawan to show off his winning form.

Suffice to say, panalo talaga ang eksenang hinahalik-halikan ni James ang kamay ni Nadine while professing his endless love for her. How she can’t live without her.

Emotional ang scene na ‘yun dahil teary eyed na si James and so is Nadine.

Totoo ka, they are more than willing to defy the Gods at the Olympus. Wala na silang pakialam kung magalit man sa kanila si Cherie Pie Pichache as long as they can fight for the intensity of their love.

Tunay ka, against all odd nga ang kanilang dramang dalawa. Nakahanda na silang lumaban and go for broke basta’t maipaglaban lang ang intensity ng kanilang pag-ibig.

A, it must be move!

AMOR AT EDUARDO SUPER ANG KILIG!

Bagama’t hindi na sila mga bata, grabe ang dating nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion.

All they need to do is look at each other in earnest and the audiences would melt. Ganyan talaga ang dating ng tambalan nilang dalawa. Tahimik lang. Walang masyadong funfare pero ang tindi ng dating.

Kahit na mature na sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion, kaya pa rin nilang magpakilig.

Sa totoo, tahimik lang ang kanilang tambalan pero may dating.

Panoorin sila gabi-gabi sa Pangako Sa ‘Yo right after Ang Probinsiyano

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top