Friday , April 19 2024

Sarah, pasok sa Written In Our Stars; Ritz, nasa ABS-CBN na rin

100515 Sarah Lahbati ritz azul

00 fact sheet reggeeNAPAKASUWERTE naman ni Sarah Lahbati dahil pasok na siya sa seryeng Written In Our Stars ng Dreamscape Entertainment na pagbibidahan nina Piolo Pascual, Jolina Magdangal, Toni Gonzaga, at Sam Milby.

Hindi naitago marahil ni Sarah ang kasiyahan dahil ipinost niya sa kanyang Instagram account ang look-test pictorial nila ni Sam na ginanap kamakailan.

Hindi namin alam kung puwede na itong malaman pero since nag-post na ang dating GMA 7 talent, eh, baka naman may go signal na ang Dreamscape Entertainment.

Oo nga pala Ateng Maricris, nabanggit ng source namin noong isang linggo pa niya nakita si Sarah sa ABS-CBN at may meeting nga raw sa management.

Nabanggit din ng aming source na pati si Ritz Azul ay may meeting din at nang tinanong nga raw niya kung alam ba ng TV5 ito dahil nga naka-kontrata ang dalaga sa Kapatid Network ay tumango naman daw at sinabing nagpaalam siya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *