Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Lutong Changsha

Lutong Changsha

100515 fiba asia flag
KAMPEON ang China sa katatapos na FIBA Asia na ginanap sa Changsha, China.

Tinalo nila ang Gilas na nagmistulang tulala sa mga imposible, masasamang tawag at kawalang tawag sa kapalpakan ng China.

Ang tanong ngayon ay kung masaya nga ba itong mga Intsik sa pagkakampeon nila gayong sa kabuuang laro ay kakampi nila ang tatlong reperi?

Well, nakita naman natin sa awarding ng mga tropeo na nakangiti ang mga Intsik.   Kungdi ba naman, nakuha na nila ang tiket para sa 2016 Rio Olympic.

Ano nga ba ang pakialam ng mga manlalarong intsik kung ano ang pinipito at pagkabulon ng reperi sa bawat eksena ng laro?   Ang mahalaga sa kanila… makapunta sa Rio.

READ MORE:  FIBA U18 ipinagpaliban

Sinadya man yariin ang laro ng China-Gilas o sadyang mga tanga ang tumayong reperi…hindi iyon maitatago sa mga Netizens.

Hayun, tadtad ng batikos ang kinalabasan ng laro.   Nagkakaisa ang mga Netizens na sadyang niyari ang laro pabor sa China.

Sabagay, bago pa sinimulan ang laro ng China at Gilas, given na ang sitwasyon na sa China ginawa ang laro at malaki ang posibilidad na pabor sa Intsik ang magiging tawag ng reperi.

Pero ang ikinabigla ng lahat ng mga nakapanood, lalo na ang mga Pinoy fans na sumobra naman ang pagkakayari ng tatlong reperi sa mga Pinoy.   Ikanga nga ni Mister Wong na ginampanan noon ng namayapang Chiquito—KITA TALI!

READ MORE:  Pakarera ng “PPP” naging matagumpay

Ang ibig sabihin ay buking na buking, halatang-halata, garapal ang ginawang pagluto sa RP5.

Nabasa nga natin sa internet ang sarkastiko pero nakakatuwang pahayag ng isang Netizen na kung alam lang ng mga Pinoy na LUTUAN lang ang laban sa FIBA Asia, dapat sina Boy Logro at Alden Richards na lang ang ipinadala doon.

Maging sa labas ng PInas, puna ng ilang nagmamahal sa basketball na talagang matindi ang pagkakaluto ng nasabing laro.

Well, siguradong depensa ng China na nagsa-sour graping lang ang mga Pinoy sa pagkatalo ng Gilas.   Normal naman sa gawat game ng basketball na nagkakaroon ng error ang mga reperi at nasa manlalaro at coaches na ang pag-aadjust sa mga kamaliang iyon.

READ MORE:  Jaworski sa Gilas: Ipakita mo ang puso!

Ang matindi, dahil sa mga maling tawag ng reperi, mukhang nawala ang gana ng Gilas.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ng mga Pinoy kungdi tanggapin ang katotohanan na talo tayo sa iskor at ang China ang pupunta sa Rio.

Ang Kurot Sundot?   Naniniwala tayo sa sinasabi ng mga Intsik na walang LUTONG-MACAO na nangyari sa laban.

Tama iyon.   Kasi, hindi naman sa MACAO ginanap ang laban—sa Changsha.

Kaya dapat—LUTONG CHANGSHA!!!

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

COMMENTS

About Alex Cruz

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved