Friday , April 26 2024

Maine, nawawala ang sakit at pagod, ‘pag nakikita si Alden

092915 AlDub

00 SHOWBIZ ms mNASA birthday party kami nina katotong Jun Nardo at Dondon Sermino sa Zirkoh, Morato nang malaman naming naroon si Wally Bayola kaya naman hindi namin sinayang ang oras at talagang tinawag namin ito para makipag-picture at ma-interbyu na rin.

Nagkakatawanan nga dahil halos karamihan sa amin ay umalis doon sa party at bumaba para lang makipag-picture at makapag-interbyu kay Wally. Talagang mega sikat na si Wally bilang Lola Nidora sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Aminado si Wally na kahit siya’y nagulat sa pagtanggap ng publiko sa kanilang KalyeSerye lalo na sa kanyang ginagampanang karakter. “Nagulat din ako na kasi parang ang mga tao hindi na rin galit kay Lola Nidora. Simula nga nang pumayag na siyang magkita na ang dalawa, at medyo maluwag na siya sa mga ito,” panimula ni Wally nang tanungin ito kung ano ang masasabi na naaaliw na ang publiko hindi lamang sa istorya kundi pati sa words of wisdom na ibininabahagi nila.

Kahit sila man ay natutuwa na kahit paano’y nakatutulong sila sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga dating nakagawian o ‘yung tradiyong-Pinoy. “Oo kasi, ako bilang isang tatay nakikita ko sa mga anak ko na tin-edyer parang, ‘ha ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon?’ Siyempre mahirap din kontrahin pero ituro pa rin natin at huwag dapat kalimutan ‘yung dating kultura ng panliligaw. Ganoon kasi noon, ‘di ba?! Ngayon wala na eh, parang text-text lang okey na. Chat chat lang okey na,” sambit pa ni Wally na kahit daw siya’y ‘di makapaniwala noong una na sobrang magki-klik ang kanilang KalyeSerye.

Ani Wally, noong una’y buddy-buddy lang sila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub. “Wala talaga sa plano, sa script na mangyayari talaga ‘yung AlDub. Kami lang ni Yaya ang magkasama, magka-buddy-buddy. Hanggang sa nagkaroon na ng kilig moment. Ayun na nag-beast mode na ang Lola Nidora,” pagbabalik-tanaw ni Wally. “Ngayon parang na-realize na ‘sige na pagbigyan na ang mga kabataan.’ Kaya lang sa ano pa rin kagustuhan pa rin ng mga lola parang panahon noong mga lola na 70s, 80s, na ganoon kaistrikto ang mga nanay natin, mga magulang natin.”

Unexpected din daw at overwhelming sa kanilang ang milyon-milyong tweets na natatanggap ng KalyeSerye. “Unexpected, hindi naman ito kagagawan ng Eat Bulaga o ng GMA, tao talaga, ‘yung AlDub fans, Dabarkads, sila ‘yung may kagagawan (ng milyon-milyong tweets).”

Pagkakagustuhan nina Maine at Alden, ‘di imposible

092215 yaya dub alden aldub

Ibinuko naman ni Wally ang napapansin niya kay Maine pagdating kay Alden Richards. “Pabor ako sa kanila kasi wala namang problema. Kumbaga, binata naman si Alden, dalaga naman si Maine, walang masama kung magka-developan ‘yang dalawa na ‘yan.

“Pero tinatanong si Maine ng, ‘ano okey ka lang ba?’ Ayaw naman niya siguro magsalita siyempre ng tungkol sa kung may nararamdaman na nga siya kay Alden, siyempre, lalaki ‘yun, siya babae.

“Siyempre itinatago rin niya baka mamaya eh, lumabas na siya lang pala ang may gusto. Hindi ko alam,” giit nito nang kulitin namin si Wally kung nagkakamabutihan na ba ang dalawa.

“Minsan nahahalata rin naman sa arte-arte niya, ‘di ba nga minsan sinasai namin sa kanya na ‘uy hindi ka na umaarte’. Kasi minsan mayroon talagang nangyayari na ‘di inaasahan.

“Nagkatawanan kami ni Maine roon sa parang ganyan-ganyan, Aldub kita, roon sa sagutan nila ni Alden sa fan sign. May naisulat si Maine na ipaalam mo ako sa tatay ko, eh, wala ‘yun sa script sa kanya lang.

“Sabi ko ‘uy wala kang tatay rito, lola lang’. Tapos nagulat siya kaya biglang sulat siya ng Dodong. Mabilis na ring bumawi.”

Yaya Dub, likas ang pagkakomedyante

090115 Yaya Dub Maine Mendoza

At dahil nakakasabay na rin si Maine sa kanilang tatlo nina Jose Manalo at Paulo Ballesteros, possible kayang maging magaling ding komedyante si Yaya Dub. “May pagkakomedyante talaga ang bata, may mga punchline rin siya na hindi rin naman namin itinuturo kanya lang talaga. Nasa tiyempo rin siya magpatawa.”

Pero off cam, tahimik lang daw si Maine. Walang PA na kasama at siya lang mag-isa ang nagbubuhat o nagdadala ng mga gamit. “Simple lang talaga ang batang ‘yan, baliw lang talaga at wala sa kanya ‘yung arte-arte. Sabi ng nanay niya, kahit noong maliit pa raw ‘yan, mahilig na mag-make face. Pero sabi ko nga nakita ko nga mga kapatid niya mapuputi, kaya sabi ko kay Maine, ‘hindi ka kaya ampon?’ Sinabi ko rin na mukhang mga Chinese mga kapatid niya eh, siya malaki mata kaya sabi ko, ‘hala ka baka ampon ka nga hahaha’.

“Hindi pa rin ramdam ni Maine na sikat na siya. Minsan nasa location kami. ‘Yung pagkain nasa labas, andoon kami sa loob, bigla na lang nagkaroon ng commotion ‘yun pala kumukuha siya ng pagkain. Siya nga lang kasi ang gumagawa ng lahat, walang kasama,” paglalarawan pa ni Wally kay Maine.

Nabanggit pa ni Wally na hindi pa rin masyadong nasi-sink-in kay Maine ang kasikatan. “Minsan noong 6:00 a.m. na kami na-pack-up, hindi siya makatayo ng matagal, siyempre bago pa lang, naninibago, pagdo na. Pero sabi niya okey daw siya. Sabi ko, ‘just in case iba ang pakiramdam mo tapikin mo lang ako. Kumain ka kasi ng maayos’. Hindi rin kasi palakain ‘yung batang ‘yun.

“Ayun na hinahawakan ko siya, sabi ko ipa-exit ko siya, tapikin lang niya ako kapag hindi na niya talaga kaya.

“Tapos heto na, noong nakita si Alden, biglang sumigla. May something na gumaganoon-ganoon pa (‘yung sayaw na pagkasaya-saya namay kasamang talon) eh, pagod siya noon. Biglang nawala ang pagod.

“Biniro ko nga, “hindi magpahalata, sige’ marunong na ring umarte.”

Award para kay Wally bilang Lola Nidora

082015 Aldub kalyeserye

Sa galing ni Wally bilang si Lola Nidora maliban pa sa ibang karakter na ginagampanan niya sa KalyeSerye, marami ang nagsasabi na deserve niyang mabigyan ng award.

“Nakaka-touch, overwhelmed din. Pero sabi ko nga, ‘yung simpleng marami kang napapatawa…kasi marami sa amin ang nagsasabi lalo na nang nagpunta kami sa St. Lukes na may pinuntahan kaming isang nanay na pasyente roon, sinabi nila sa akin, ‘salamat po kasi napapasaya n’yo ang nanay namin kapag nanonood ng AlDub. So, ‘yun ang parang malaking reward na nakakapagpasaya kami ng mga taong malungkot, may sakit.”

Ano naman ang ipinagpapasalamat mo sa nangyayaring ito? “Kumbaga sa dinami-raming character na ginagaya ko noon pa, ito lang talagang si Lola Nidora ang nabigyan ng moment. Ito ‘yung pinakanakilala,” giit pa ni Wally na aminadong masaya sa nangyayari sa kanyang career sa kasalukuyan.

“Masaya ako lalo roon sa mga mentor ko, unang-una na, parang sabi ko hindi ko sasayanging ‘yung chance na ibinigay nila sa akin, unang-una sa Eat Bulaga. Pangalawa ‘yung mga sa mentor ko, si Mamu, William Espejo, sa mga nagtuturo sa akin dati, sa school ko na pinagtapusan sa Naga, mga Bicolano. Naibawi ko ‘yung chance na naibigay nila sabi ko nga.”

Sa kabilang banda, alam n’yo bang kahit ang mga anak pala ni Wally ay apektado sa mga nangyayari sa KalyeSerye? “Noong una na parang kinokontra ko si Alden para kay Maine, galit ang mga anak ko at nagtatanong ng ‘bakit papa mad ka kay alden and Yaya?’ Sinasabi ko sa kanila na script lang ‘yun. Tapos noong pumapayag na ako na mag-date ‘yung sina Alden at Yaya Dub at medyo maluwag na siya sa dalawa, sabi ng bunso ko, ‘yan very good na si papa’.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *