Friday , April 19 2024

Jen, kinilig sa halik ni Sam

092815 sam jennylyn

00 fact sheet reggeeSINADYA naming kornerin si Jennylyn Mercado pagkatapos ng Q and A sa presscon ng pelikulang PreNup nila ni Sam Milby na idinirehe ni Jun Robles Lana produced ng Regal Entertainment na mapapanood na sa Oktubre 14.

Dahil kaya raw hindi nagparamdam si Sam noong nasa New York City sila ay dahil parati raw may ka-text/viber si Jennylyn na pakiramdam ng aktor baka makaistorbo siya.

Hindi naman ito itinanggi ni Jen na totoong panay ang viber niya, “siyempre kukumustahin ang anak ko, everyday ‘yan facetime.”

At sinabi nga namin na kaya hindi nakapagsalita si Sam ay dahil nga akala niya ay si Dennis(Trillo) ang kausap/facetime at ayaw naman daw manulot ng aktor.

“Sinabi niya (Sam)?  Hindi ko alam, hindi nga kami nakapag-usap (sa NYC), eh, dito naman wala, never kong hinawakan itong cellphone ko, hindi naman siya nagsasalita,” muling katwiran ng aktres.

Kaya ang diretsong tanong namin kay Jennylyn na kung sakaling manligaw si Sam ay may pag-asa.

“Mayroon naman, mabait naman, (sabay kilig),” pa-demure na sagot ni Jen.

Kaya tinukso siya ng ilang katoto na kinikilig siya, “hindi ba halata, pinagpapawisan nga ako, sobra. Heto nga, pawis na pawis ako sobra,” pag-amin ng aktres.

At napansin naming panay ang tingin ni Jen sa lugar ni Sam na tila hinahanap kung nasaan.

Sabay hirit ni Jen sa amin, “willing ba siyang maging tatay ng anak ko?”

Na sinagot namin ng ‘oo at wala raw kaso kay Sam kung may anak ka.’

“Totoo nga?  Eh kasi nga, iyon ang iniisip ko palagi na ‘pag ako nagmahal, iisipin ko palagi anak ko, kasi hindi lang naman akong mag-isa, dalawa kami,” katwiran ni Jennylyn.

At hirit ng katotong Rohn Romulo at Glen Regondola na okay lang daw kay Sam ang package deal.

“Talaga ba? Talaga?” paulit-ulit na tanong ni Jen.

At pinayuhan si Jen ng mga katoto na huwag ng bumalik kay Dennis dahil tapos na ang chapter sa buhay nila at panibagong challenge naman daw si Sam.

“Tingnan natin,” kinikilig na sagot ni Jen.

SOBRANG GENTLEMAN NG AKTOR

Nabanggit pa na si Sam ay true gentleman na sinabi rin naman ni Jennylyn at naramdaman niya iyon sa aktor.  Binanggit din namin na hindi umaasa ang aktor sa babae in terms of ‘gastusan’ dahil may sarili siyang pera.

Hindi raw talaga nagawang mamasyal o magkaroon ng sariling oras sina Sam at Jennylyn.

“Kung alam n’yo lang po, pagdating namin doon (NYC) puro trabaho at pagkatapos ng shoot, kanya-kanyang kuwarto ‘yan kasi bagsak talaga kaming lahat sa hotel (Madison Hotel).

“Wala kaming pasyal kasi hanggang sa umalis kami ay nagsu-shooting pa rin kami, sabi ko nga, totoo pala ‘yung literal na trabaho tapos uwi, walang pasyal. Tapos tulong-tulong kami (crew) kasi kami lang doon, limitado,”kuwento ni Jen.

Nabanggit kay Jen na sobrang hanga si Sam dahil hindi lumaki ang ulo niya kahit na itinanghal siyang sexiest woman ng FHM at nakitaan niya na ideal wife ang aktres.

“Ideal wife agad-agad? Puwedeng mag-ano (girlfriend/boyfriend) muna kami?” nanlalaki ang mga matang sabi ni Jen.

At tinanong naman namin kung ano naman ang qualities na gusto niya kay Samuel Lloyd.

“Ano kasi si Sam, tahimik, pero makulit ‘yan lalo na kapag naumpisahan na niya, pero siyempre, parang kulang pa ‘yung 21 days na pagsasama namin para makilala ko talaga siya.

“Mas maganda siguro ‘yung sa likod ng camera na mas nakikilala mo talaga siya, para siguro mga 60% (kilala si Sam),” paliwanag ng aktres.

Diretsong tanong namin kay Jen na kung yayayain siyang mag-dinner ni Sam, sasama ba siya? “oo sasama.”

Hayan, Samuel Lloyd Milby, kami na ang nagse-set ng dinner date ninyo ni Jennylyn, follow-up mo na!

May nagtanong kung anong klaseng food ang gusto ni Jen, “sa akin naman maski saan, madali naman akong i-please sa pagkain, okay na ako kahit ano.”

Tinanong namin kung kumusta ang kissing scene nila ni Sam dahil nabanggit ni Jen sa Q and A na ‘okay at mabango’ ang aktor.  Masarap bang humalik si Sam?

“Oo, oo (talaga), kasi ano, maalalay siya, maingat siya at pagkatapos nga ng (kissing scene) sabi niya, ‘okay lang ba, okay ka lang ganoon, sobrang gentleman siya talaga,” pagtatapat ng aktres.

HININGA NI SAM, LAGING MABANGO

Muling tinanong si Jen ng katotong RK Villacorta kung mabango ang hininga ni Sam, “oo mabango, laging mabango,” kinilig na sabi ng aktres.

Hirit ulit ng mga katoto, ‘ang abs niya matigas ba?’

“Hindi ko nga nahawakan, nahiya ako.  Kasi naiilang, alangan namang sabihin ko, ‘pahawak nga’ di ba? Magenta iba isipin niya sa akin na ‘ano ba naman itong babaeng ito?’ kuwento ni Jen.

Nagbibiruan daw ang dalawa pero wala raw malisya, “iba ‘yung mga joke namin talagang nakakaloka pero ‘yung to the point na (malisya), walang ganoon, ayokong lumagpas sa limit.”

Tinanong kung may sekswal na biruan, “ay wala naman, gusto ko pa rin ‘yung komportable pa rin kami, wholesome,” sabi ng aktres.

At nagustuhan pang lalo ni Jen si Sam dahil walang bisyo, hindi naninigarilyo, hindi umiinom, “iyon ang maganda kasi hindi rin ako nagyoyosi at umiinom, ako wala talaga.”

Maraming similarities sina Sam at Jen kaya sabi namin ay bagay sila at pinupuri pa siya, “talaga, salamat naman at na-appreciate niya ako maski sa maigsing panahon, eh, naging maganda naman ang pagsasama namin.” masayang sabi ng aktres.

Nabanggit na anim na taon na walang girlfriend si Sam at halatang nag-iisip na si Jen.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *