Wednesday , April 17 2024

Magulo ang utak ni Duterte

EDITORIAL logoHINDI na talaga dapat paniwalaan pa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Lamalabas kasi na parang niloloko na lang ng grupo ni Duterte ang taumbayan.

Hindi maintindihan ang takbo ng utak, at pabago-bago sa kanyang plano kung tatakbo ba siya o hindi bilang pangulo sa darating na halalan.

Parang babae si Duterte.  Akala ko ba barako siya?  Nakapipikon na, para kasing ginagago na niya ang publiko sa gulo ng kanyang mga deklarasyon.  Kung pinal na talagang hindi siya tatakbo sa pagkapangulo, itigil na niya ang pagpapa-interview sa media.

Patigilin na rin niya ang kanyang mga handler sa walang saysay  na propaganda, at kung hindi naman siya susundin, e, ‘di  isa-isahin niyang i-salvage.

Unahin niya sina Lito Banayo at Raymond  na sinasabing nagpapatakbo ng media ni Duterte.

Sobrang kulit na ang dating ni Duterte.  Pati ‘yung sinasabing Million People’s Call na gagawin sa Luneta ay napakagulo rin.

Unang sinabi na gagawin daw sa September 15 pero binago at ginawang September 19 at ngayon naman, gagawin na sa September 26.

Ito ba ang klase ng taong gagawin nating pangulo ng Filipinas?  Magulo ang utak ni Duterte at hindi dapat patulan ang kanyang mga sinasabi.

About Hataw News Team

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *