Saturday , April 20 2024

Tunay na galing ni Ryzza Mae, napanday na

033015 Aiza Ryzza Mae
NAAPEKTUHAN ang ASAP show ni Aiza Seguerra sa pagkakatanggap niya ng The Ryzza Mae Show Presents. . .Princess in the Palace teleserye.

Pumayag si Aiza na gawin ang Princess in the Palace knowing na walang magiging conflict sa ASAP since weekdays naman ito ipalalabas sa GMA-7. Bukod dito, prodyus ng TAPE Inc. na itinuturing niyang pamilya dahil produkto siya ng Eat Bulaga. Wala ring exclusivity si Aiza sa kahit anong network kaya kung tutuusin ay puwede naman talaga siyang tumanggap ng show sa kabila as long as hindi ito katapat ng show niya sa ABS-CBN.

Pero ‘yun nga, kinausap ng Kapamilya Network ang manager ni Aiza na si Annabele Regalado-Borja at sinabihang mag-take muna ng leave of absence ang singer sa ASAPhabang may Princess in the Palace.

“Honestly I felt bad dahil siyempre, espesyal na rin sa akin ang show, it’s just that, I also understand that may mga bagay na above sa aming mga artist,”  deklara ng singer-actress.

Last episode ni Aiza sa  ASAP  ang London show at talaga raw sobrang saya nila roon kaya talagang mami-miss niya ang mga kasama.

Bakit kaya siya pinag-leave gayung hindi naman magkatapat ang ASAP at Princess in the Palace?

“Well, siguro, right now, alam naman natin na hanggang ngayon, mayroong network thing na nangyayari especially, I think with the AlDub issue, medyo fierce ngayon, so yeah, I think they’re just protecting themselves din.

“And ang sabi lang nila, they don’t wanna set precedent na gawin din ng ibang artists ‘yun sa kanila. So, that’s fine,” bulalas ni Aiza.

Dahil dito, pababalikin sa Eat Bulaga si Aiza pero never daw siyang lilipat sa Sunday Pinasaya bilang respeto sa pinanggalingan niyang show kahit prodyus din ito ng TAPE. Bukod dito, umaasa rin siya na makababalik sa ASAP ‘pag cool na ang lahat at matatapos ang  Princess In The Palace.

“Kasi, ang nangyari is, hindi ‘yung umalis ako, it’s more of a leave of absence. So, I would like to believe that for the meantime, alam mo ‘yun? Kumbaga, hindi kasi ganoon kaklaro, eh.

“Siyemre, it’s different kung sinabi talaga na ‘tanggal ka na’. Pero hindi, eh. It’s a leave of absence, pero siyempre, bilang respeto sa ibinigay sa aking leave of absence na ‘yun, hindi ako lalabas sa katapat,” aniya pa.

Speaking of Princess In The Palace, nakatakdang kilitiin ng child sensation na si Ryzza Mae Dizon ang umaga ng manonood sa pagsisimula ng modern Cinderella story/family drama na The Ryzza Mae Show Presents…Princess In The Palace simula sa Setyembre 21, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m..

Umiiyak, tumatawa, at sari-saring emosyon ang hatid ni Ryzza bilang si Princess sa bawat araw bilang isang batang mahirap, masayahin, makulit pero mapagmahal na mapapasok sa mundong ginagawalan nang mag-krus ang landas nila ni Leona (Eula Valdez) na lingid sa kaalaman niya ay Presidente pala ng Pilipinas. Mabubuo ang friendship nila na magpapakita na ang tunay na pamilya ay hindi nasusukat sa pagiging kadugo.

Mula sa lugar ng mga kapus-palad, mapapadpad siya sa malaki at masalimuot na mundo. Iikot siya sa bago niyang daigdig upang salingin ang bawat puso ng taong makaka-engkuwentro nya dahil sa kanyang hugot lines at Pabebe moods. Doon na makiliti ng Munting Prinsesa ang puso ng tao sa Presidential Palace.

Lumikha ng ingay si Ryzza nang manalo sa huling edition ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga ‘Yung payak na mukha niya ay nagtataglay pala ng angking talento sa pagpapatawa at pag-arte. Agad siyang naging instant hit sa mga viewer ng noontime show pati na nang pasukin niya ang pag-arte sa big screen. Nagkamit pa nga siya ng Best Child Actress sa Metro Manila Film Festival movie na My Little Bossings  dahil sa natural niyang pag-arte.

Ang katabilan niya’t pagiging makulit naman ang naging daan para ipagkatiwala sa kanya ang The Ryzza Mae Show na kinilala siyang pinakabatang TV talk show host. Nabigyan siya ng special recognition dahil sa pagiging youngest TV host kaya tinutukan ng manonood ang bawat sorpresa niya sa araw-araw.

Subalit dumating ang hiling kay Ryzza na magkaroon ng drama series. Sinubukan niyang makipagsabayan ng pag-arte kay Aiza Seguerra nitong nakaraang episode para sa Holy Week Special ng Eat Bulaga. Eh, isa rin pala sa birthday wish ni Ryzza na maipamalas sa manonood ang talento sa pag-arte kaya naman nitong nakaraang birthday niya last June 12, tinupad ng TAPE, Inc. ang pangarap na ito ni Aling Maliit.

Eh, bongga ang unang drama series ng child sensation dahil sa lawak ng scope at major casting, pang-primetime na ang dating nito. Gusto rin kasi ng producers na pangkaraniwan ang unang drama show ni Ryzza kaya tumodo sila sa paggawa nito. Kaya nga sa Princess In The Palace, makikita ang ebolusyon ni Ryzza na pinakabata at pinakamagaling na aktres sa kanyang henerasyon.

Sa bawat eksenang gagawin nga ni Ryzza, umaapaw ang kahusayan niya sa pag-arte. Tumatagos sa puso ang delivery niya ng lines na hinahangaan ng kanyang co-stars. Kada taping ay lalong kumikinang ang brilyo niya sa lahat ng eksena, simple man o mahirap ‘yon. Tunay na ngang napanday na ang galing ni Ryzza Mae sa pag-arte!

Magsisilbi ring tagisan ng discoveries ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga angPrincess In The Palace dahil full length na ang pagsasama nina Aiza at Ryzza. Lalabas na isang presidential guard ng Presidente si Aiza na makakabangga si Ryzza sa mga kulitan pero sa darating na kuwento ng series, mabubuo ang friendship nila’t magiging magkasangga para sa kapakanan ng Pangulo.

Kapwa naging lucky charm ng EB sina Aiza at Ryzza sa kanilang panahon. Kaya naman ipagpapatuloy ang hatid nilang suwerte sa bago nilang programa na The Ryzza Mae Show Presents…Princess In The Palace dahil magsisilbi rin itong inspirational at aspirational program sa bawat manonood!

Kakaibang TV drama triumvirate ang hatid nina Ryzza-Aiza-Eula bago magtanghali dahil kapana-panabik ang pagdating ng batang kikiliti sa puso ni Madame President at ng bayan.

Mula sa direksiyon ng premyadong director na si Mike Tuviera ang  Princess In The Palace at kasama rin sa cast sina Boots Anson-Rodrigo, Dante Rivero, Ciara Sotto, Neil Perez, Marc Abaya, Lianne Valentin, Miggy Jimenez, Vince de Jesus , at Rocky Salumbides.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *