Wednesday , April 24 2024

May katarungan na nga kaya para kay Doc Gerry Ortega? (Sa pagkakadakip sa Reyes brothers)

Justice for Doc GerryPAGKAKATAON lang ba na matapos ihain ni Dra. Patty Ortega ang kanilang petisyon sa Department of Justice (DoJ) nitong Biyernes na isulong ang prosekusyon laban sa magkapatid na dating gobernador ng Palawan na si Joel Reyes at ang kapatid niyang dating mayor ng Coron na si Mario Reyes ay nadakip sila sa Thailand kinabukasan?!

O ito ay tadhana ng Maykapal dahil apat na taon na mula nang paslangin si Doc Gerry ay hindi lumalarga ang katarungan para sa pinaslang na brodkaster at environmentalist?

Isa po ang inyong lingkod bilang pangulo ng National Press Club noon, ang sumuporta sa laban na ito ng pamilya Ortega.

Inihain ni Dra. Patty ang petisy0n sa DoJ bilang hamon kay Justice Secretary Leila De Lima na dating private election lawyer ng gobernador na Reyes.

Sa nasabing petisyon, binigyang-diin ni Dra. Patty na malapit nang bumaba sa kanyang puwesto si De Lima kaya marapat lamang tapusin niya ang pagsasampa ng kaso sa magkapatid na Reyes bago man siya maghain ng kanyang kandidatura pagka-senador.

Talaga naman!

Hindi natin alam kung saan nanghihiram ng kapal ng mukha ang isang opisyal diyan sa DOJ.

Magpraktis ka naman ng delicadeza, Madam!

Alam ba ninyong katakot-takot na railroading ang nangyari sa kasong inihain ng mga Ortega laban sa mga Reyes dahil sa panghihimasok ni “classmate”!?

Nadakip na nga ang Reyes brothers deretso kulungan kaya ‘yan at mai-arraign kaya kaagad?!

‘Yan ang aabangan natin.

Pansamantala, binabati natin ang Task Force Usig sa pagkakadakip sa Reyes brothers.

Wish lang natin na ang pagdakip sa Reyes brothers ay hindi para maging deodorant ng Daang Matuwid administration lalo ngayong panahon ng eleksiyon.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *