Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Tatlo na, sino pa?

Tatlo na, sino pa?

00 pulis joeyMALINAW sa atin ngayon na may tatlo na tayong pagpipilian na pamalit kay PNoy sa Mayo 9, 2016. Sila ay sina Jojo Binay, Mar Roxas at Grace Poe. Who else?

May nagbulong sa akin na tumitiyempo lang si Bongbong Marcos.

Oo, ayaw lang daw ni Bongbong magdekrata  nang maaga kasi baka pupugin siya ng demolition ng mga kalaban. You know!

Gayon din si Rodrigo Duterte. Bagama’t nagpahayag nang hindi tatakbo ay pinagdududahan pa rin. Kasi nga tuloy-tuloy pa rin naman ang kanyang pag-iikot at humahataw rin ang kanyang mga ‘tao’ sa social media.

Anyway, malalaman natin ang final answer sa ating mga agam-agaw tungkol dito kina Marcos at Duterte pagsapit ng filing ng candidacy sa Oktubre 12-16.

                                            ***

After ng deklarasyon ni Poe noong Miyerkoles ng gabi, nagdeklara na rin kahapon ang kanyang running mate na si Chiz Escudero.

Nauna pang mabuo ang kanilang tandem kaysa mga naunang nagdeklarang presidentiables na sina Binay at Roxas.

‘Yan ang inaabangan natin ngayon. Kung sino ang magiging running mate ni Binay at ni Roxas.

Si Amay Bisaya, isa sa mga sidekick ng ama-amahan ni Grace na si late Fernando Poe Jr, nang makasalubong ko sa Manila Hotel last Saturday morning, ay nagsabi sa akin: ”Pareng Joey, hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin ang pormal na alok sa akin ni Binay para maging Bise niya. Payag ako. Basta kausapin niya lang ako nang maayos.” Yan si Amay… buo ang loob! Ha ha ha…

Seriously, nagbigay ng clue si Binay. Ang VP niya raw ay lalaki, magaling at may karanasan. Sino kaya ito? Baka si Gerry Limlingan? He he he…

Si Roxas naman, namimili kina Alan Peter Cayetano, Vilma Santos at Leni Robrido.

May nag-suggest, ang maganda raw maging VP ni Roxas ay si House Speaker Sonny Belmonte. ‘Yun na!

Sa mga susunod na araw, malalaman na natin ang sagot sa mga katanungang ito.

Abangan!

Higit isang taon nang walang ilaw sa relocation sa Pandi, Mapulang Lupa

– Sir Joey Venancio, wag nyo nalang po ilagay ag numero ko.  Kami po ay isang taon at 4 buwan na dito sa Pandi, Maulang Lupa Phase 2. Wala pa pong ilaw dito. Kailan po ba liliwanag ang gabi namin? Botohan na naman po! Kailan po ba namin makakamit  ang mga hiling namin dito? Ang sigaw namin dito: Ilaw! Ilaw! Ilaw! Meralco po hindi yung kung kanino galing. Sana mapansin nyo na kami rito. Salamat po.

Ang tserman ng Housing ay si Vice President Jojo Binay. Ito ang dapat nyang trinabaho noong hindi pa mainit ang papalapit na eleksiyon e. Ewan!

Okey mga MTPB sa Tutuban at Abad Santos, Tondo

Dalawang araw na akong dumaraan sa Tutuban at Abad Santos mula Moriones dahil grabe ang trapik ng mga truck sa Road 10, Tondo. Napansin ko ang maayos na pagtatrapik rito ng mga taga-MTPB kaya medyo magaan ang daloy ng mga sasakyan.

Ito ang sinasabi natin na basta maayos ang pagmamando ng trapik tiyak mapapagaan ang kahit gaano kabigat na volume nito sa mga pangunahing kalye.

Kaya thumbs up ako ngayon sa mga bata mo, Vice Mayor Isko Moreno.

Pero mas bibilib ako sa ‘yo, Vice, kung linisin n’yo ang obstructions sa secondary roads sa Maynila para may ­alternative routes ang mga motorista. ‘Pag nagawa mo ito, puwede ka nang kumasa ng Senador!

Just do it, Vice Isko!

Daming ilegal pumapasok sa pantalan ng Dumaguete City

– Dito po sa Dumaguete City, walang PDEA o pulis na bumabantay sa port area ng lungsod. Kasi marami rito iligal na pumapasok sa pantalan. Tulad ng iligal na droga na shabu at mga baril. Yung mga nagpapasok yung mga fixer sa sasakyan, parang porter. Sila ang nagdadala ng mga iligal. Hindi ba yan kaya dakpin ng mga pulis? Wala po kasing mga pulis manlang na nakatambay dito sa pantalan. Kaya maluwag nakakapasok ang mga iligal. Kahit pamanmanan nyo po ito. Totoong totoo po ito. Dito po ako nagtatrabaho. Huwag nyo po ilabas abg numero ko. – Concerned citizen

Babala ng NTC tungkol text scam

– Babala: Kung ang txt ay mula sa taong nagpapanggap na kamag-anak/kabigan at humihingi ng pera/load, ito ay SCAM! Wag maniwala! – NTC

Reklamo vs 2 CSF sa Binondo

– Sir Joey, reklamo ko po yung 2 CSF guards na naka-duty dito sa Plaza Ruiz sa Binondo. Mga abusado po e. Yung isang mataba nanampal ng menor de edad. Di po ba masama yun ginawa niya? Saka laging nanghihingi ng ­mineral water dun sa nagtitinda sa gilid ng plaza. Mga wala naman pong ginagawa ang mga guardia dito sa plaza. Sana madisiplina itong 2 CSF guards dito. Yun lang po, Sir Joey. Suki mo ako sa iyong diario. – Concerned citizen

Poe-Trillanes ang gusto

– Good day, Sir Joey. I’m always read your newspaper. I like your column. By the way, Poe at Trillanes po ako. – From Bacolod

Si Sen. Grace Poe, ang running mate na ay si Sen. Chiz Escudero.

Si Sen. Trillanes ay tatakbong independent VP.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

COMMENTS
READ MORE:  Restore rule of law; D-5, Jinggoy at Bong sa city jail ikulong

About Joey Venancio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved