Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pauline Cueto, malapit nang lumabas ang debut album

Pauline Cueto, malapit nang lumabas ang debut album

091615 Pauline cueto

00 Alam mo na NonieMALAPIT ng matapos ang debut album ng fifteen year old na si Pauline Cueto. At her age, bagay sa kanya ang mga kanta rito na all original na komposisyon ng pamosong composer na si Sunny Ilacad. Dalawa sa awitin ni Pauline ang Ingatan Mo at Dreamboy Ng Buhay Ko na for sure ay maiibigan ng mga music lover.

Kakaiba ang musika o melodiya nito na kay sarap sa pandinig at ang mga liriko ay puno ng aral na kakaiba sa pangkaraniwang pagkaka-intindi natin sa salitang dreamboy ng buhay ko.

READ MORE:  Vivian, powerful na kontrabida sa Maria Mercedes

Kakaibang atake ang ginawa ni Sunny sa nasabing awitin na siyang magiging carrier single ng album with the same title. Lahat ng mga awitin sa debut album ni Pauline ay pawang mga original and new compositions ni Sunny.

Nakakaaliw dito ang mga bali ng mga nota ng melodiya na para kang ibinabalik sa mundo ng mga dekada 70’s at 80’s. Sabi nga, for sure hit ang mga awiting ito ni Pauline dahil sa veteran composer na si Sunny, na kilalang hitmaker.

READ MORE:  Panggagaya ni Maine sa Ipapasa Ko ‘To Sa Facebook video, click sa netizens

Maganda si Pauline at magbu-bloom pa ang ganda nito na bagay sa kakaiba niyang tinig na kay ganda at sarap pakinggan.

Si Pauline ay Grade 9 sa St. Mary’s Academy, Pasay City. Kahit busy sa singing career, aktibo pa rin ang dalagita sa campus activities. Ang pagtugtog ng gitara ang isa sa libangan niya, kaya isang certified music lover talaga siya mula noong bata pa. Ang kanyang daddy na si Andy Cueto na very supportive sa kanyang mga pangarap, ang isa sa iniidolo ni Pauline.

READ MORE:  Blogger na nagsulat na may STD si Denice, idinemanda

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved