Wednesday , April 24 2024

Brgy. Capt. Busabos ang tingin sa media

THE WHO logoTHE who ang isang ‘barangay chairman’ diyan sa Metro East na bukod sa nangingilag sa interview sa kanya, ang lakas pa raw mang-insulto ng mga mamamahayag.

Bilang patunay, isang radio reporter ang nakaranas ng magaspang na asal kay German este Chairman, na itago na lang natin sa pangalang “Remembering Antipatiko”or in short R.A. Kasi naman ‘di talaga malimot ng nasabing mamamahayag ang ginawa sa kanya.

Hehehehehehehehe.      

Nanggagalaiting kuwento sa atin, inutusan ng kanilang kompanya si  radio reporter kasama ang crew para magsagawa ng remote broadcast sa kaharian ni Chairman.

Pagdating sa lugar, siyempre hinanap nila si R.A. Para makipag-coordinate sabay tanong kung available siyang ma-interview sa mga kaganapan at proyekto sa Barangay.

Kamukat-mukat ninyo sinabing ‘di siya available dahil sobrang busy daw siya sa kanyang trabaho, ngak!

Hindi tuloy maintindihan ng Hunyango namin kung bakit siya tinabla at ano nga ba ang dahilan, wala kayang development at proyektong nangyayari sa lugar niya? O mahiyain lang? O dahil may itinatago siyang kabalbalan at ayaw niyang masilo?

A baka naman ayaw talaga niyang masilo siya?

Heto ang mabigat, matapos tanggihan sa interview, aba’y pilit na inaabutan ng P200 si reporter pero ‘di niya ito tinanggap at ipinamukha niyang istorya lang ang kailangan niya.

Belat! Buti nga sa iyo!

Kilalanin kung sino si Chairman na noong hindi pa Punong Barangay ay laging may bitbit na boga.

Gets n’yo?

Bigyan ng (straight) jacket ‘yan!

About Jethro Sinocruz

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *