Friday , March 29 2024

Pauleen Luna ‘di buntis sa fiancé na si bossing Vic Sotto

060515 Vic sotto Pauleen luna

NASA Amerika pa rin si Pauleen Luna at sa susunod na linggo pa ang iskedyul ng balik ng Kapuso actress sa bansa.

Pero kahit nasa bansa ni Uncle Sam si Pauleen, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay mabilis niyang nasasagot ang isyung pinagpipiyestahan sa social media na buntis umano siya sa fiancé na si Bossing Vic Sotto.

Pinabulaanan ng actress/host ang tsismis at hindi porke’t engaged na siya kay Bossing at napag-uusapan na nila ang kasal ay preggy na siya. Sa tunay na buhay ay mahilig raw sa bata si Pauleen at kung siya ang tatanungin ay gusto na niyang magbuntis kaso hindi pa nga sila ikinakasal ni Bossing.

At nasa States man ang actress at kahit miss nila ang isa’t isa ni Bossing ay enjoy pa rin ang dalawa dahil nagkakatawagan naman sila sa telepono at updated rin ang TV host-comedian/producer boyfriend sa mga activities niya dahil ipino-post niya ito sa kanyang social media account.

By the way, we heard na magkakaroon ng partisipasyon sina Bossing at Pauleen sa hit na hit na AlDub #KalyeSerye sa Eat Bulaga nina Alden Richards at Yaya Dub with wacky sisters Lola Nidora (Wally) and Tinidora (Jose).

This is very exciting gyud!

No.1 Drama Series kaabang-abang ang pagtatapos ngayong Setyembre 25
“NATHANIEL,” IPAGLALABAN ANG KABUTIHAN HANGGANG SA HULI

Upang tulungan siyang puksain ang kasamaan na naghahari ngayon sa Bayan ng Laging Saklolo, isa-isa nang bumaba sa lupa ang mga kapwa anghel ni Nathaniel (Marco Masa) na sina Enchong Dee, Sam Milby at Rayver Cruz.

Lalo na ngayong unti-unti nang nadidiskubre ang tunay na pagkatao ni Gustavo (Baron Geisler) ang negosyanteng sinapian ng kaluluwa ni Ramon Roman (Leo Martinez).

Si Paul Laxamana (Gerald Anderson) na nabuko ang panloloko sa kanya na matagal nang ginagawa ng misis na si Atty. Martha (Isabelle Daza) at ng kapatid na si Aaron (David Chua) na nakikipagsabwatan noon kay Ramon at ngayon naman ay kay Gustavo.

Sising-sisi si Paul, kung bakit hindi niya pinaniwalaan ang dating asawang si Rachel (Shaina Magdayao) sana natigil na ang pagtatraidor sa kanya ng magkapatid.

Si AVL (Coney Reyes) sa tulong ni Nathaniel at sa mga nangyari sa kanya na muntik na niyang ikinamatay ay tuluyan nang nagbago kapiling ang anak na si Mary o Hannah (Sharlene San Pedro).

Sama-samang isusulong ng Kapamilya stars na sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Marco Masa ang kabutihan sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na “Nathaniel” na nakatakda nang magtapos sa Setyembre 25 (Biyernes).

Mula nang umere ito noong Abril, gabi-gabing namayagpag ang “Nathaniel” sa national TV ratings matapos mabihag ang puso ng bawat pamilyang Filipino dahil sa pagtuturo at pagpapaalala ng likas na kabutihan ng tao.

Samantala tiyak na wala nang bitawan ang mga manonood sa huling tatlong linggo ng “Nathaniel” ngayong haharap na sa pinakamahirap na pagsubok ang anghel na si Nathaniel (Marco) dahil sa paglaganap ng kasamaan sa mundo.

Magtagumpay kaya si Nathaniel sa kanyang misyon na ibalik ang pananampalataya ng tao sa Diyos? Mapipigilan nga ba niya ang masasamang plano ng Tagasundo (Baron Geisler) laban kina Paul (Gerald) at AVL (Coney Reyes)?

Sa huli, ano nga ba ang gagawin nina Paul at Rachel (Shaina) kapag natuklasan nila na si Nathaniel ang namatay nilang panganay na anak?

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng “Nathaniel,” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH. Maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nathaniel” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

PWEDENG MANALO NG 25K SA ATM KASAMA ANG MGA BAE SA EAT BULAGA

Dahil sa mainit na pagtanggap ng Dabarkads sa “That’s My Bae” Twerk It Like Miley Dance contest na ang taga-Cebu na si Kenneth Earl Medrano ang itinanghal na grand winner at nakapag-uwi ng tumataginting na P250,000 cash prize, ngayon para sa mga fans ng pitong grand finalists, partikular ang kababaihan, isa na namang bagong segment ang inilunsad ng Eat Bulaga na “ATM” o At The Moment na patok agad sa televiewers.

Dito ay pwedeng manalo ng P25,000 ang mapipiling limang contestant from the studio audience. Napakasuwerte ng mga matatawag dahil bukod sa mga naguguwapohan BAE’s na punong-puno ng absay makakasama rin nila sa nasabing segment   ang pinakasikat na Kapuso actor ngayon na kalabtim ni Yaya Dub na si Alden Richards at Sam YG.

Madali lang ang mechanics nito kapag alam na ang sagot ay ibubulong ng unang kalahok sa kanyang kapwa contestants at ‘yung huling sinabihan ng sagot ang siyang magsusulat nito sa high tech na white board.

Kapag tumpak ang answer at tama ang spelling ay maiuuwi ng lima ang P25,000 na bawat isa sa kanila ay may P5K kasama ang nakalaang cash na ipinakita ng limang BAEs.

Pero kapag hindi nakuha ang tamang sagot ang premyong P25K ay mapupunta sa bagong mapipiling limang studio audience na siyempre mga girl na super kinilig sa mga BAE ng Bulaga.

 

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *