Saturday , April 20 2024

Leni Robredo for VP signature drive ratsada na

Isinusulong ng iba’t ibang urban poor communities ang pagtakbo ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang bise presidente ng Liberal Party sa 2016 elections.

Noong Martes, sinimulan nila ang kampanya para makakalap ng isang milyong lagda para makumbinse si Cong. Leni na kumandidato bilang bise presidente.

“Umaasa tayo na sa kampanyang ito, makukumbinse si Cong. Leni na siya ang matino, mahusay at may pusong leader na hinahanap ng mga Pilipino sa pamahalaan,” wika ng grupo sa isang statement.

Sa pangunguna ni dating Cong. Erin Tanada, inilunsad ng grupo ang One Million Signatures sa KABALIKAT office sa Baseco, Port Area, Manila. 

Sa kanyang speech, hinikayat ni Tanada ang mga residente ng Baseco na sumali sa kanilang panawagan na tumakbo si Cong. Leni bilang bise presidente.

Ayon sa grupo, kayang ipagpatuloy ni Cong. Leni ang nasimulang kampanya ng yumaong asawa na si Sec. Jesse Robredo para sa malinis na pamahalaan at ulirang lingkod bayan.

Isinama rin ni Senate President Franklin Drilon ang pangalan ni Cong. Leni sa mga pagpilian ng Liberal Party bilang manok sa pagka-bise presidente.

Cynthia Martin

About Hataw

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *