Thursday , April 25 2024

Joey, aminadong ‘di inaasahang papatok ang Kalye Serye

082015 Aldub kalyeserye
STILL no talkies pero nagkita na nang harapan noong Sabado sa kalyeserye ng Eat Bulaga, the world eagerly waited for Alden Richard and Yaya Dub na magyakapan pero naudlot ito dahil sa bumagsak na pader sa kanilang gitna na pakana na naman ni Lola Nidora.

Kung bakit patuloy pa ring nangangabog ang AlDub ay may paliwanag si Joey de Leon. “Ang tawag ko riyan, eh, regalo,” sey ni Tito Joey kung bakit hindi ito binibitiwan ng mga manononood sa noontime slot, Mondays to Saturdays.

“Regalo in the sense na hindi namin ‘yon hiningi, basta ibinigay na lang. At hindi namin ‘yon inaasahan,” aniya.

Maging sila raw nina Tito at Vic Sotto are clueless kung ano ang magaganap sa bawat araw. “Ayoko ngang malaman kung ano ang mangyayari, eh. Pero tulad niyan na nagkita na sina Alden at Yaya Dub, sabi ko, all the more na kailangan nating i-hold ang audience.”

Ang ibig sabihin ni JDL by holding the audience ay, “May patakaran sila na bawal magkasakit. Kasi, noong minsang wala si Wally (Bayola), instant change ang nangyari. Pinagbihis si Paolo (Ballesteros). ‘Ika ko, mas tinututukan pa ngayon ang AlDub kaya bawal silang magkasakit.”

HOT, AW! – RONNIE CARRASCO III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *