Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aldub, pinagbawalang mag-endorse ng politicians

Aldub, pinagbawalang mag-endorse ng politicians

082815 AlDub alden yaya

00 Alam mo na NonieSA sobrang lakas ng tambalang Aldub o Alden Richards at Maine Mendoza na kilala rin bilang Yaya Dub, bawal silang mag-endorse ng sinumang politiko.

Ayon kay Senator Tito Sotto, pinagbawalan ng pamunuan ng Eat Bulaga Ang Aldub na mag-endorso ng kandidato sa 2016 elections. Balitang may dalawang presidentiable raw na gustong kuning magkahiwalay na endorser ang Aldub tandem.

READ MORE:  Derek-Paolo project, pinag-iisipan pa

Ang AlDub, na sumikat sa Kalyeserye segment ng longest running noontime show sa bansa ay gumagawa ng kakaibang record sa history sa pambihirang kasikatan na tinatamasa nila, sa lakas ng ratings na nakukuha ngayon ng EB, at sa dami Tweets. Ang hashtag na #ALDUBBATTLEForACause ay umabot sa mahigit 5.8 million Tweets last Saturday, September 5.

READ MORE:  Maya at Ser Chief, mangunguna sa “Global Kapit-Bisig Day” ngayong Biyernes sa market market Taguig City

Sinabi rin ni Sen. Tito na siya mismo ay hindi hihikayatin sina Alden at Maine na mangampanya para sa kanya sa 2016.

“I am setting the example so that politicians will know we mean it. And we do not want our Dabarkads to be politicized,” pahayag ni Tito Sen.

Sa sobrang init ng tambalan nina Alden at Maine, balita namin ay may mga commercials na silang naka-line-up. Makakasama rin daw ang dalawa sa 2015 MFFF entry nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na pinamagatang Rom-comin Mo Ako na mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

READ MORE:  Bables, Juan, So, alaga na rin ng IdeaFirst Company

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved