Friday , April 19 2024

Sexy Leslie: Ayaw sa pulis

00 sexy leslieSexy Leslie,

Ayoko sa pulis dahil na rin sa hindi magandang reputasyon nila. Iwas din ako sa nanliligaw sa aking tulad nila dahil ayokong mapabilang sa koleksiyon nila. Marami kasi sa lugar namin ay hindi naging maganda ang buhay sa piling ng isang alagad ng batas. Siguro, you find me weird pero ‘yan talaga ang nararamdaman ko.

Sa ngayon, may pumoporma na naman sa akin na isang pulis. Dedma na nga, sumisige pa rin. Ewan ko ba, pero kung minsan naman hinahanap ko siya kapag hindi siya pumupunta. Ano ba itong nadarama ko? Bakit kung kanino at kung sino pa ang ayaw ko, e, ‘yun pa ang dumarating?

Mariel

Sa iyo Mariel,

Hindi ka dapat mamuhi sa pulis dahil hindi naman lahat ng alagad ng batas e, miyembro ni Taning. Oo nga’t may naliligaw ng landas at nasisilaw sa kapangyarihan, ngunit tiyak na mayroon pa ring mabubuting tao na kabilang sa uniporme nila.

Alam mo kasi, ke pulis pa ‘yan o sundalo o seaman o kung anuman ang propesyon, kapag pinana ka ni Kupido, tiyak wala kang kawala. Bulls Eye ‘ika nga! Kung sakali mang tumibok ang puso mo sa isang pulis, okey lang ‘yan. Hindi ‘yan nakababawas ng pagkababae dahil lang sa noon pa man e, ayaw mo na sa kanila. Kung worth it at sincere naman ang suitor mo sa kanyang panliligaw I guess, bigyan mo siya ng pagkakataon. Don’t be unfair!

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *