Saturday , April 20 2024

Feng Shui: Prinsipyo ng nine numbers

00 fengshuiSA prinsipyo ng nine numbers, ikaw ay napaliligiran ng walong iba’t ibang uri ng chi, kaya sa pagtungo sa bagong direksyon ikaw ay humaharap sa ibang tipo ng chi.

Ang chi ay iba dahil naaapektuhan ng kilos ng araw ang planeta, ang magnetic field ng mundo, at pwersa ng iba pang mga planeta. Ang ibig sabihin nito, ikaw ay makasasagap ng higit sa isang partikular na tipo ng chi patungo sa iyong sariling energy field at makakukuha ng higit pang characteristic ng nasabing enerhiya.

Ang pinakamadaling paraan sa paggawa nito ay ang pagtulog nang ang iyong ulo ay nakaturo sa direksyong kumakatawan sa enerhiyang sa iyong palagay ay higit mong kailangan.

Sa sistemang ito, ang nine energies ay nahahati sa apat na points ng compass (north, east, south and west), sa apat na direksiyon sa pagitan ng mga ito (north-east, north-west, south-east and south-west) at isa para sa gitna.

Bawa’t tipo ng chi ay binibigyan ng bilang mula isa hanggang siyam, na tumutukoy sa posisyon ng enerhiya sa magic square (ba gua). Upang maging malinaw ang enerhiya ng bawa’t direksyon, ito ay iniuugnay sa oras ng araw (day), season, elemento at trigram. (Ang trigram ay serye ng tatlong parallel lines, na maaaring solid o broken; ang solid lines ay yang at ang broken lines ay yin.)

Ang trigram ay iniuugnay sa family member (halimbawa, ang panganay na lalaki), at mga taong may isa sa limang elemento at mayroong sariling unique symbol mula sa kalikasan (katulad ng thunder).

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *