Wednesday , April 24 2024

Plaza Miranda PCP Commander lumarga na vs osdo, tulak etc.

guiagiHINDI naman natin kilalang personal ang bagong Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP) commander Senior Inspector JOHN GUIAGUI pero bilib tayo sa ginagawa niyang paglilinis ngayon sa nasabing area.

Aba sunod-sunod ang mga nahuhuling osdo, tulak  at iba pang ilegalista sa kanyang area of responsibility (AOR).

Pagkatapos nga ng sunod-sunod na operation ni Kapitan Guiagui ‘e sunod-sunod na text message rin ang nakarating sa atin bilang feedback sa seryosong pagpapatupad ng peace & order sa nasabing  bisinidad.

Kaagad rin siyang nakipag-dialogue sa mga vendors para malaman ang kanilang problema at maiayos ang kanilang pagtitinda.

Talagang kapuri-puri ang mga ginagawa ni Kapitan Guiagui hindi katulad ng isang MPD kupitan ‘este’ kapitan na ibang klase ang lakad at nagpapanggap na matinong pulis pero tongpats sa mga illegal sa Maynila, gamit ang kanyang ranggo at pagiging malapit sa isang city official. Taliwas sa mga ipinagkakalat ng Kupitan na naninira lang ang Bulabugin kapag nauupakan ang mga baluktot na lakad ng isang pulis.

Kung majority ng mga bagong police official na naitatalaga sa Maynila ay gaya ni Kapitan Guiagui tiyak na mauubos ang iba’t ibang klase ng mga ilegalista sa lungsod.

Karerin mo na ‘yan, Kapitan Guiagui!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *