Friday , April 19 2024

Kelot tigok sa hit & run ng 2 kotse

AGAD binawian ng buhay ang isang lalaki makaraan mabundol ng dalawang kotse sa Boni Serrano, Katipunan-bound, sa kanto ng 19 Putol St., Murphy, Cubao, Quezon City kahapon.

Ayon kay BPSO Richard de Ticio, isang residente ang humingi ng tulong upang madala sa pagamutan ang biktima ngunit bago dumating ang ambulansiya ay wala na siyang buhay.

Kinilala ang biktimang si Von Lester Garcia, residente sa P. Tuazon, Project 4, Quezon City.

Sinabi ni De Ticio, ayon sa testigo ang biktima ay sumusuka sa gitna ng kalsada nang mabundol ng dalawang rumaragasang sasakyan na patungo sa Katipunan.

Hindi nakuha ng mga residente ang plaka ng dalawang sasakyang nakabundol sa biktima na agad binawian ng buhay makaraan ang insidente.

About Hataw

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *